^

PSN Showbiz

Customers ng cookies ni Jennylyn, namamahalan sa presyong 199

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Customers ng cookies ni Jennylyn,  namamahalan sa presyong 199
Jennylyn

SEEN: Ang suggestion kay Jennylyn Mercado na murahan nito ang presyo ng cookies na ginagawa at ibinebenta niya dahil sa panahon ng inflation, mabigat para sa consumer ang P199 per piece. Ang paggawa ng cookies ang bagong negosyo ni Jennylyn.

SCENE: Ngayong hapon ang pilot telecast ng Asawa Ko, Karibal Ko at mapapanood ito pagkatapos ng Eat Bulaga. Mga bida sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Kris Bernal, Jason Abalos, Thea Tolentino at Rayver Cruz.

SCENE: Kailangan ni Mavy Legaspi ng new hairstyle para lumutang nang husto ang pagiging matinee idol niya. Distracting sa televiewers ang current hairdo ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

SEEN: Papasok na rin sa showbiz si Ashley Diaz, ang anak ni Joko Diaz. Pipirma si Ashley ng kontrata sa Viva Artists Agency, ang talent management company ng Viva Films.

SCENE: Masayang-masaya si John Lapus dahil sa warm reception ng moviegoers sa Pang-MMK, ang first movie directorial job niya. Official entry sa 2018 Cinema One Originals Film Festival ang Pang-MMK na inspired ang kuwento sa mga personal na karanasan ni Lapus.

SCENE: Kapwa naniniwala sa multo sina Aloy Adlawan at Jules Katanyag dahil sa kanilang mga nakakatakot at hindi maipaliwanag na karanasan. Sina Aloy at Jules ang mga direktor ng All Souls Night, ang horror movie at Halloween presentation ng Viva Films na tinatampukan nina Andi Eigenmann, Yayo Aguila at Allan Paule.

SEEN:  Umalis sa Pilipinas noong Sabado si Alyssa Muhlach Alvarez para sa Reina Hispanoamericana 2018, ang international beauty pageant sa Sta.Cruz, Bolivia na sasalihan niya. Umaasa si Alyssa na mapapantayan niya ang tagumpay ni Winwyn Marquez, ang reigning Reina Hispanoamericana.

vuukle comment

ENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with