Male personality na tamad at adik sa computer games, pinagdarasal na magbago na
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2018 - 12:00am

Kailangan na tala­gang baguhin ng isang male personality ang nakasanayan niyang katamaran sa pagtatrabaho. Hindi na siya bumabata, nakikita na ang mga palatandaan ng kanyang pagkakaedad, panahon na para magbago siya.

Sinukuan ng mga na­mamahala sa kanyang trabaho ang male personality. Bukod sa palagi na siyang late sa pagre-report sa trabaho ay tamad-tamaran pa siya, mabigat ang kanyang katawan, nakakahawa ang kanyang mga galaw.

Kuwento ng isang source, “Ang palagi kasi niyang idinadahilan, e, ang insomnia niya. Umaga na raw siya kung makatulog, pilitin man daw niyang matulog sa gabi, e, hindi pa rin niya magawa.

“So, kung hindi siya nakakatulog sa gabi, mag­hapon naman siyang tulog, hindi siya pinakikinabangan sa maghapon. Baligtad ang gabi at araw ng male personality.

“Pero ano ba kasi ang ginagawa niya sa magda­mag kung hindi siya dinadalaw ng antok? Nakababad naman pala siya sa computer, laro siya nang laro, hanggang sa dalawin na siya ng antok kapag paputok na ang araw.

“Sinukuan na rin ng mismong pamilya niya ang magaling pa namang kumantang male personality. Ang totoo, dahil hindi na nga siya maintindihan ng wife niya, e, nagbukud-bukod na sila ng tirahan.

“Magkakalapit lang sila, pero hiwalay na sila ng wife niya, sumuko na rin ang girl sa katigasan ng ulo ng mister niya,” simulang kuwento ng aming source.

Harinawang sa bagong pagtitiwalang ibinigay sa kanya ngayon ng isang malaking produksiyon ay magbago na ang male personality. Sana nga ay hindi pansamantala lang ang ipinakikita niyang kagustuhang makapagtrabaho na uli ngayon.

“Last card na niya ito. Kailangang samantalahin na niya ang huling barahang ibinigay sa kanya ng bago niyang bahay. Sinukuan na rin siya ng dati niyang manager, di ba?

“Kapag wala pa ring nangyari sa career niya ngayon, e, wala na talagang mangyayari sa buhay niya. Kailangan niyang magbago, magsipag na siya, malapit na siyang maging lolo!

“Ibigay na niya ang lahat-lahat this time, i-give na niya ang lahat ng makakaya niya, i-give na niya ang disiplinang nu’n pa dapat niya ginawa para hindi siya napag-iwanan ng mga ka-comtemporary niya!” pagtatapos ng ­aming impormante.

Ubos!

Kasamaan ng nanay ni Jake, bukung-buko sa libro

Sinabi nu’n ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco na ang bibili lang ng librong sinulat ng kanyang anak ay mga uto-uto. Puro raw kasi kasinungalingan ang nilalaman ng libro tungkol sa paglalarawan sa kanya.

Hawak na namin ngayon ang librong I Am Jake. Sa sasandaling panahong nahawakan namin ang libro ay hindi na kami nakapaghintay pa. Binasa na namin agad ang librong naglalantad sa personal na buhay ng dating Charice Pempengco na ngayon ay kilala na sa pangalang Jake Zyrus.

Ayaw naming bitiwan ang kopya. Sa umpisa pa lang kasi ay hawak ka na nito sa leeg. Meron ka mang importanteng gagawin ay ipagpapaliban mo muna para tutukan ang mala-nobelang panulat ng international singer.

‘Yung pinagpistahang paksa tungkol sa paglalarawan kay Aling Raquel bilang isang “evil queen” ay hindi nagmula kay Jake. ‘Yun ang tawag sa kanyang ina ng kanilang mga kaibigan na hindi na kinakaya ang mga press release ni Raquel mula nang sumikat ang kanyang anak.

Nakawawasak ng puso ang kuwento ni Charice sa kanyang libro na hindi siya pinapalo ng kanyang ina sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa ulo siya sinesentruhan ni Racquel na gamit ang matulis na takong ng kanyang sapatos.

Hanggang ngayon ay kapansin-pansin ang parang kalyeng lubak-lubak na ulo ni Jake. ‘Yun ang mga tama ng takong ng sapatos ng kanyang ina na paulit-ulit na ipinanghahampas sa kanya sa mumunti niyang pagkakamali bilang bata.

Gusto niya ng ice-cream? Bibigyan naman siya ni Raquel pero sa isang kundis­yon. Kailangan muna niyang maipanalo ang amateur contest na malapit na niyang salihan.

Rebelasyon ni Jake, “At a young age, she taught me that everything comes with a price. If I wanted ice-cream or chocolate, I had to win a contest before I can have any of it.

“The things such as toys, clothes and sweets which other people would normally give to kids were things I believed I had to earn.”

Pero sa kabila nang sangdamakmak na sama ng loob ni Jake Zyrus ay bahagi rin ng libro ang mga dahilan kung bakit sa kabila ng lahat ay mahal niya pa rin ang kanyang ina.

Tatapusin namin ang pagbabasa ng “I Am Jake.” Nasa kalahatian pa lang kami. At gusto naming sabihin na bilang mambabasa ay hindi kami uto-uto.

JAKE ZYRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with