Regine sinalubong ala-miss universe ng ABS-CBN

Regine

Pang-Miss Universe ang ibinigay na welcome ng ABS-CBN kay Regine Velasquez kahapon. Yup, parang si Pia Wurtzbach nang bumalik ng bansa at pumunta sa ABS-CBN matapos koronahan.

Bongga ang pa-red carpet at may pa-baloon pa. Naglabasan din ang maraming empleyado sa kani-kanilang opisina at talagang nag-abang sa pagdating ng Asia’s Songbird na ayon sa mister niyang si Ogie Alcasid ay kabado nang umalis ng bahay nila.

Kaya naman pagbaba ni Regine ng sasakyan at salubungin ng mga bossing ng ABS-CBN sa pangunguna nina ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes and Head of TV Production Laurenti Dyogi, naluha siya nang makita kung gaano kainit ang pananabik sa kanyang makasama sa Kapamilya Network.

Bukod pa ‘yan sa nag-no. 1 trending sa social media kahapon ang hashtag na  #SongbirdReturnsToABSCBN at Regine Velasquez na pasok din sa top 10 spot.

“I am now a certified Kapamilya,” tili ni Regine matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Nilinaw din niyang siya ang may idea na mag-iba ng network after 30 years ng pagiging Kapuso. Si Ogie kasi ang pinagbi-bintangang nag-engganyo sa misis na lumipat ng network. Ayon kay Regine, siya ang nanghingi ng tulong sa asawa para maka-meeting ang mga bossing ng ABS-CBN. “People have been saying this was his idea. Actually, hindi. It was really me. I did ask for his help — to set up a meeting with them. It was really me who decided,” pagkaklaro sa intrigang nagsulputan bago pa siya pumirma ng kontrata kahapon.

Tatlong show agad ang inclusion sa pinirmahan niyang kontrata with Chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, CEO for Broadcast Cat Lopez, Dreamscape Entertainment Production unit head, Deo Endrinal  and Miss Cory and Direk Lauren. Tumatayong ma-nager niya ang kapatid na si Cacai Velasquez-Mitra na present sa pirmahan ng contract kahapon ng hapon. Isang sitcom, Idol Philippines, at ASAP.

Show comments