Bea-Aga movie, tumabo ng p7 million sa unang araw

Aga at Bea

SEEN: Kahapon ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy ng mga nag-aambis­yon na kumandidato sa eleksyon sa May 2019 at kahapon din ang contract signing ni Regine Velasquez bilang contract star ng ABS-CBN.

SEEN: Walang ipinagkaiba ang warm welcome kay Regine ng ABS-CBN employees sa pagtanggap nila kay Angel Locsin nang lumipat ito sa Kapamilya Network noong 2007.

SCENE: Ang misis na si Yasmine Espiritu ang kasama ni Alfred Vargas nang mag-file ito kahapon ng certificate of candidacy bilang house representative ng District V ng Quezon City. Five months pregnant si Yasmine sa baby boy, ang third child nila ni Alfred.

SEEN: Kakandidato na alkalde ng Pasig City si Vico Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Suportado nina Vic at Coney ang political ambition ng kanilang anak.

SCENE: Tinatayang P7 million pesos ang first day gross ng First Love, ang pelikula nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na nagbukas kahapon sa mga sinehan. 

SEEN: Birthday presentation nina Bea Alonzo at Paul Soriano ang First Love. Kahapon ang 31st birthday ni Bea at ang 37th birthday ni Paul, ang pelikula na joint venture ng Star Cinema at Ten17 Productions.

SCENE: Kakandidato na gobernador ng Bulacan sa May 2019 si Daniel Fernando. Si Fernando ang incumbent governor ng lalawigan ng Bulacan.

SEEN: Mauulit ang laban nina Manila City Mayor Joseph Estrada at former Manila Mayor Alfredo Lim. Nag-submit kahapon ng certificate of candidacy para sa mayoral race sa Maynila si Lim na magdiriwang ng 89th birthday sa December 2019. Dalawang artista ang katunggali ni Lim, si Estrada at si Isko Moreno.

Show comments