Aga produ rin ng movie nila ni Bea

MANILA, Philippines — Executive producer din pala ng pelikulang First Love si Aga Muhlach.

Nakalagay sa credits ng movie ang pagiging producer din ng aktor sa pelikulang dinirek ni Paul Soriano with Bea Alonzo na sa Canada kinunan ang kabuuan.

Sulit ang mga manonood nito dahil almost two-hours at makikita ang maraming lugar sa Vancouver, Canada.

At siyempre iba ito sa the usual movie nina Aga at Bea.

Showing ang First Love starting tomorrow, Wednesday. Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie.

Show comments