^

PSN Showbiz

Piolo, masaya sa ginagawa ni Liza sa FDCP

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, masaya sa ginagawa ni Liza sa FDCP
Piolo at Liza

Kamakailan ay nasungkit ni Piolo Pascual ang Asia Star Award na ipinagkaloob ng Marie Claire Star Awards 2018 sa Busan, SouthKorea. 

Isang hindi makalilimutang karanasan at mala­king karangalan daw ito para sa aktor. “Nakakatuwa especially the last night, the Philippine Night, all of the programmers of the festival were there. It was a big celebration,” bungad ni Piolo.

Nakatanggap umano ang aktor ng alok mula sa isang international film producer na makaga­wa ng isang proyekto sa Spring Films na pagmamay-ari ni Piolo.

Aminado ang aktor na balak niyang isabak ang anak na si Inigo Pascual para sa isang international film. “Mara­mi, one idea is a partnership with a Singaporean company, where they want to collaborate with us. Pro­bably pitching my son to do a Bollywood film,” pagbabahagi ni Piolo.

Samantala, kuntento umano ang aktor sa pamamahala ni Liza Diño bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines.

Ayon kay Piolo ay naitataas ngayon ng FDCP ang antas ng mga pelikulang sariling atin sa ibang bansa. “I’m so happy how Chairman Liza Diño set the centennial celebration of Philippine Cinema starting with Busan Film Festival. So we were given this opportunity to showcase the history of Philippine Cinema,” nakangiting pahayag ni Piolo.

John, gagawing freedom ang lalaking anak

Masayang-masaya si John Prats dahil malapit nang iluwal ng asawang si Isabel Oli ang kanilang ikalawang anak.

Ito ang magiging kauna-unahang Pasko na apat na ang miyembro ng pamilya ng aktor. “Answered prayer for both of us. Kasi siyempre ‘yon naman ang dream ng lahat ng mga magulang, to have a healthy baby. Tapos parang bonus na mayroon ka nang babae, tapos mayroon ka pang lalaki. So very excited and thankful for this year dahil before Christmas ay apat na kami. Ang sarap ng feeling,” pahayag ni John.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil ang magiging anak pa lamang ang kauna-unahang lala­king Prats talaga ang dadalhing apelyido sa pangalawang henerasyon ng kanilang pamilya. “Sabi ko nga talagang sobrang thankful kasi itong next generation ng Prats, si Daniel Freedom pa lang ang boy. Anak ni Camille babae, si Nathan (anak ni Camille sa unang asawa) kasi Linsangan. Anak ng brother ko babae, si Feather (panganay na anak nina John at Isabel), babae. So ito pa lang ang talagang Prats, first Prats,” masayang pagbabahagi ni John.

Pinag-isipan daw mabuti ng mag-asawa ang pangalang Daniel Freedom para sa pangalawang anak. “For us ni Liv (pala­yaw ni Isabel), parang napag-isipan talaga namin ‘yung name ni Lily Feather. Gusto namin na mayroon din siyang unique name. So naisip namin Freedom, ang first name ng dad ko is Daniel, so ipinangalan ko sa dad ko,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with