Mikey matunog sa QC

Nakakatuwa naman na matunog na matunog ang pangalan ni Mikey Belmonte sa mga kapitan, kagawad at residente ng District 2 ng Quezon City.

Imagine binatang-binata na si Mikey at kakandidato nang konsehal sa District 2 ng QC.

Apo na ang turing ko kay Mikey dahil kay Papa Miguel Belmonte na noong bata pa ay naging yaya ako. Hahaha.

Nanalantay sa dugo ni Mikey ang maglingkod sa bayan. Lolo niya si Cong. Sonny Belmonte at siyempre tita niya si Vice Mayor Joy Belmonte na kakandidatong mayor ng QC katambal si Gian Sotto bilang bise alkalde.

Malinis ang pangalan ng mga Belmonte sa QC kaya sure na sure ako na win si Mikey.

Naku Mikey kung bata-bata lang ako at kaya ko pang mag-ikot, sasamahan talaga kitang mangampanya. Ang sipag ni Mikey na mag-ikot sa mga barangay at kita ang pagmamahal sa kanya ng mga taga-District 2.

Keep up the good work Mikey. Andito lagi ang lola Lolit mo.

Show comments