Gary nakakapag-bike na uli

Gary V.

Kagabi ay ginanap sa Xavier Sports Center sa Greenhills, San Juan ang Gary V Mr. Pure Energy in XS concert ni Gary Valenciano bilang selebrasyon ng ika-35 taong anibersaryo ng singer.

Masayang-masaya si Gary dahil muli siyang nakabalik sa pagtatanghal pagkatapos maoperahan sa puso ilang buwan na ang nakalilipas.

“Ito na, tuloy na tuloy na. Actually naumpisahan na namin ito before my surgery. Pero this time, imbes na magpunta lang ako sa mga universities para mag-perform, ang gusto ko this time ay makilala ko pa ‘yung mga estudyante,” nakangiting pahayag ni Gary.

Ngayon ay mas pinag-iingatan na raw ng singer ang sarili upang mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan. “Nakabalik na ako sa pag-bike as part of my exercise. Kaya lagi na ulit may bike sa sasakyan ko as part of my exercise for my heart. And siyempre sumusunod pa rin tayo sa mga advice ng ating mga doctor na nag-aalaga sa atin,” pagbabagi ni Gary.

Jameson babad sa online games ’pag walang ginagawa

Malaki ang pasasalamat ni Jameson Blake sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagbibigay ng magagandang proyekto sa kanya. Gabi-gabing napapanood ang baguhang aktor sa teleseryeng Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ayon kay Jameson ay malayung-malayo sa totoong buhay ang kanyang karakter sa nasabing serye. “I’m already doing a different kind of role right now. ‘Yung role ko do’n parang babaero siya and bad boy, spoiled, stubborn. To prepare, I just try to bring out that side of me. I try to watch movies and get tips from other actors and may mga friends naman ako na playboy, so I already know how it is like. It’s not that hard,” pagbabahagi ni Jameson.

Madalas din umanong napagkakamalang suplado ang aktor lalo na sa unang pagkakakilala pa lamang.

“Usually mga first encounters when I meet some people they’re like, ‘Uy! Akala ko suplado ka pero hindi naman pala.’ Usually ganun, kasi people say I have an expressive face, they might just judge it by how I present my face sometimes. Maybe it just looks like that pero hindi naman. Maybe I’m just observing lang pero hindi naman suplado,” paglilinaw ng binata.

Samantala, kapag walang trabaho ay mas gusto lamang ng aktor na maglibang sa bahay. “If they saw me off-cam, well baka magulat sila when I say that I can stay on the computer for like the whole day playing my online game. If they could see how late I stay up at night, magugulat din sila do’n, gamer for life,” natatawang kwento ni Jameson.

Show comments