Alden
Alden walang planong sumuko, vm hanggang next year pa
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

Ayaw isipin ang rating

Puspusan pa rin ang taping ng Victor Magtanggol ni Alden Richards na lalong gumaganda ang katawan.

Tuluy-tuloy pa rin kasi ang training niya para sa mga action scenes niya sa natu­rang telefantasya.

Ang latest kasing narinig namin ay hanggang November na lang daw sila, pero baka abutin pa rin sila next year.

Wala pa naman daw advise ang mga executive kaya tuluy-tuloy lang ang taping. May mga bagong karakter pa nga raw na lalabas, pagkatapos mag-tape ng mga Sang’gre.

Ang goal lang naman daw nila ay pagandahin pa nila ito lalo dahil marami raw silang natatanggap na magagandang feedbacks.

Aminado naman si Alden na nahirapan silang tapatan ang teleserye ni Coco Martin. Basta ang mahalaga ay lalo nila itong pinapaganda. “Ako po personally I don’t really mind, kasi yung feedback po and reactions that we got from the audience, especially ang mga bata, yun po yung drive namin to be more passionate about our work. Kasi, yung mga aspeto po na yun especially ratings, hindi na po namin control yun eh.

“Ang tanging magagawa lang po namin, maipagpatuloy ang istorya at tsaka mapagpatuloy lang po ang magandang kalidad ng Victor Magtanggol,” saad ni Alden.

Humingi lang si Alden ng break sa darating na Pasko.

Napagkasunduan na kasi ng pamilya niya na sa Amerika silang lahat mag-Pasko.

Ang unang plano nila ay sa London, pero susundan na lang daw nila ang kanyang lola na nasa San Francisco, California na nga­yon.

Basta bago mag-Pasko ay aalis na raw sila dahil kailangan niyang bumalik dito bago mag-Bagong Taon dahil bahagi pa rin siya ng New Year’s Countdown ng GMA 7.

Isa sa inaasahan ni Alden sa pagpasok ng 2019 ay matuloy na raw sana ang pelikulang pagsasamahan nila ni Maine Mendoza na hinihintay ng fans nila.

Pamilya Revilla gustong paglabanin

Kahapon, October 11 ang filing ng COC o Certificate of Candidacy sa mga gustong tumakbo sa 2019 mid term elections.

Unang araw pa lang, ang dami nang kadramahan, at may mga konting gulo nang nangyayari para lang malito ang mga kalaban sa pulitika.

Kagaya nitong bumulaga sa aming balita kahapon ng umaga na may mga taong nagra-rally sa tapat ng tahanan ng dating Senador Ramon Revilla Sr.

Ang gusto raw nila na tumakbong Mayor ng Bacoor ay si Cong. Strike Revilla at kalabanin ang incumbent Mayor Lani Mercado-Revilla.

Nagulat ang ilan sa mga malalapit sa pamilya Revilla dahil alam naman ng lahat na solid ang naturang pamilya at malabong maglaban-laban sila.

Sabi ni Vice Governor Jolo Revilla; “Magkakasama lang kami buong pamilya last night at napagpasiyahan na kami na my Mom is for reelection as Mayor for the City of Bacoor. Akala nila magpa-file kami today, eh bukas pa ang filing ng slate ng Cavite.”

Kinumpirma na rin ng kapatid ng dating Sen. Bong Revilla na si Rowena Mendiola na ganun pa rin ang tatakbuhan nilang lahat. Sa Congress pa rin daw si Cong. Strike Revilla, sa pagka-Vice Governor naman si Jolo, at sa pagka-alkalde pa rin si Mayor Lani.

Tuloy daw ang pag-file ng dating Sen. Bong Revilla na tatakbo bilang Senador.

“Hindi kasi puwede na maglalaban-laban ang aming pamilya, at hindi mangyayari sa amin yan.

“Nagkakaisa ang mga Revilla, hindi maglalaban-laban,” sabi ni Rowena na konsehal naman ng Bacoor.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with