Manay Lolit, Sharon at Robin
Lolit relate na relate sa inis ni Sharon kay Robin
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2018 - 12:00am

Balak sawsawan ni Manay Lolit ang hanash ni Sharon Cuneta kay Robin Padilla.

Nabasa niya kasi ang emote ng megastar na hindi man lang daw nakaalala sa kanyang My 40 Years concert na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan lang.

Muling nabuhay ang hinampo niya kay Robin na hanggang ngayon ay hindi man lang nakaalalang dumalaw kay dating Sen. Bong Revilla Jr. sa Camp Crame.

“Siyempre, Robin Padilla na siya. Okay lang kung di man lang siyang nakaalalang dumalaw sa dating kaibigan na dumadalaw naman sa kanya nung nakulong siya,” simulang emote ng manager ng dating senador.

“Akin lang naman, okay lang kung may sarili kang paniniwala. Kung guilty man o hindi yung kaibigan mo, basta nandun ka lang bilang kaibigan di ba?

“Nung dumadalaw naman sa kanya sina Bong, si Rudy (Fernandez) sa kanya nun, hindi naman nila iniisip kung ano yung kaso mo. Kundi nandun ka para dumamay bilang kaibigan.

“Pero siyempre, hindi na niya kailangan yan ngayon. Hindi na niya isipin yun, kasi Robin Padilla na siya eh,” emote pa more ni Manay Lolit.

Naintindihan daw niya kung ano ang naramdaman ni Sharon na dati may panahon na daluhan ang pa-premiere ng Cinemalaya movie niya sa CCP kasi may ginagawa silang pelikula. Pero ngayong tapos na ang movie nila, nakalimot na. Alam naman daw niya kung gaanon kahalaga kay Sharon ang 40th celebration niya dahil minsan lang naman daw mag-celebrate ng 40 years sa showbiz.

Kaya nag-emote na naman si Manay Lolit sa Instagram niya kahapon. “May tampo daw si Sharon Cuneta kay Robin Padilla, Salve. Kinumbida at ilang beses nagpasabi para manood sa concert ni Sharon pero walang Robin Padilla. Hindi na ako nabigla o nagtaka. Sila Jinggoy Estrada at Bong Revilla nga ni minsan hindi nadalaw ni Robin sa Crame. Naalala ko nun nakakulong sa Muntinlupa si Ro­bin, halos linggo-linggo dinadalaw siya nila Rudy Fernandez at Bong Revilla. Panay ang padala ni Jinggoy Estrada ng pagkain at sigarilyo. Si Mang Ramon Revilla pa ang gumawa ng batas para mapalabas siya sa kulungan. Sabihin ng kung anuman ang nasa isip niya tungkol sa pagkakulong nila Bong at Jinggoy, iyon magkasama sila sa showbiz, na pareho silang artista, guilty or not guilty, iyon sympathy o compassion sana man lang ay ipinadama ni Robin. Malaking bagay iyon pagdalaw sa isang tao na nasa kulungan. Kahit nga hindi mo kaibigan, iyon lang presence mo will brighten up their days, parang sa isang maysakit na comforting pag alam na meron pa rin nag-aalala sa kanya. Ewan ko kung anong dahilan ng pagiging detached ni Robin, ewan ko kung para sa kanya may sarili siyang mundo, na iyon mundo na iyon ay sapat na sa buhay niya, pero sana nga tama siya. Sana nga, sapat na ang ginagalawan niya at hindi na kailangan pa ang iba. Sana nga, Robin Padilla ako noh, kaya kong mag-isa. Hindi ko kailangan punta sa concert o dumalaw kahit kanino dahil Robin Padilla ako.”

Sophie naging baklita na sa bagong trabaho

Nanghinayang naman si direk Joel Lamangan sa magandang role na dapat

kay Winwyn Marquez. Ito yung anak ni Elizabeth Oropesa na si Amber Balocboc na may pagka-cheapangga ang role.

Tinanggihan ni Winwyn ang role na iyun dahil medyo daring daw na hindi niya puwedeng gawin dahil nagtuturo siya sa mga bata.

Para kay direk Joel, maganda talaga ang role. Challenging ito na tingin niya kayanin ni Winwyn. Pero hindi nga tinanggap ng actress/beauty queen at napunta ito kay Sophie Albert.

Natuwa si direk nang si Sophie na ang gumaganap sa role na ito dahil mas kuwela raw at ibang-iba pa sa image ng young actress.

“Mayaman kasi talaga yan. Mayaman ang pamil­ya niyan,” pakli ni direk Joel.

Alam naman ng karamihan na bahagi ng mayamang pamil­ya si Sophie na kamag-anak ng isa ring mayamang showbiz personality.

“Sa kanila yung FEU (Far Eastern University). Bongga yan,” sabi pa ni direk Joel. Kaya malaking challenge daw talaga kay Sophie itong role na binigay sa kanya na may pagkabaklita.

“Nanibago ako. Pero napa-proud ako sa sarili ko. Na-proud ako kasi, hindi ko ini-expect na kaya ko pala gumawa ng karakter na ganun kasi nga sobrang…nainis nga ako sa sarili ko na sobrang mahiyain.

“Kaya kahit na ano.. for awhile naging baklita rin ako,” pahayag ni Sophie.

Thankful din si Sophie na inalalayan siya ni Elizabeth sa mga eksena nila. Naging close daw sila na nakikita naman sa mga eksenang ginagawa nila sa bagong drama series na ito ng GMA 7, ang Pamilya Roces na magsisimula na mamayang gabi pagkatapos ng Onanay.

Magaling na aktres hanggang two years lang ang taning sa mga karelasyon

Kilala na pala itong si magaling na aktres na ito na hindi nagtatagal sa mgakarelasyon niya.

Mukhang hindi pa siya handa na malagay sa tahimik, kaya nagi-enjoy lang siya sa pakikipag-boyfriend muna.

Parang may two-year itch daw ito na kapag umabot ng dalawang taong relasyon, hindi na siya mapakali, parang gusto na niyang makipagkalas sa kasalukuyang boyfriend.

Napansin nga naming two to three years lang ang relasyon niya sa ilang boyfriends niya, nakipag-break na agad. Parang wala pa sa isip niya ang mag-settle down. Tinotodo niya ang pagiging single na okay lang ang mga shoet-lived relationship o dating dating lang.

Pero ang latest na narinig ko, isang dating boyfriend nito na balak makipagbalikan sa kanya at kung puwede sila na raw forever.

Tingnan natin kung matutuloy.

MANAY LOLIT SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with