Romnick at Harlene tatlong beses ikinasal

Romnick at Harlene

Mukhang mahihirapan ang dating mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na mapawalang bisa ang kanilang kasal kahit pa nag-decide na silang wakasan ang kanilang 19 year old marriage. Kung yung mga ikinasal lamang ng minsan ay nahihirapang ga­wing legal ang kanilang kasal, ang mag-asawang Sarmenta ay tatlong beses ikinasal, una sa isang civil wedding nung 1999, isang church wedding sa UP nung 2000 at isa pang renewal of vows na ginanap sa Las Vegas nung 2002. Ang tanging nakapagtatanggal ng alala­hanin sa kanilang mga anak at pamilya sa kanilang paghihiwalay ay ang kanilang pangakong magi­ging mabuti pa rin silang magkaibigan.

Zanjoe in demand na leading man

In demand ngayon si Zanjoe Marudo. Kasalukuyan siyang ruma­ratsada sa morning serye na Playhouse kung saan kasama niya si Angelica Panganiban. Napapano­od ito bago ang It’s Showtime.

Bukod pa sa nasabing serye, may isa pa siyang movie na aagaw ng atensyon sa nakakatawang pa­la­bas nila ni Angelica, ang To Love Some Buddy nila ni Maja Salvador. Si Jason Paul Laxamana ang director ng film.

Billy tama ang desisyong magpahinga sa Showtime

Wala naman palang bad blood kay Billy Crawdford at sa ABS-CBN network tungkol sa pagkakawala niya bilang co-host ng It’s Showtime. Hindi siya tinanggal sa show, siya mismo ang nag-beg off dahil sa kasal nila ni Coleen Garcia at dahil din sa kanyang tinatapos na recording. About time na mare-establish niya ang sarili niya bilang isang singer. Nasasa­yang na yung kasikatan na pinaghirapan niya’t nakamit niya sa Europe, particularly sa France. Naba­ling na ang atensyon niya sa paghu-host ng mga programa ng Kapamilya.

Show comments