^

PSN Showbiz

Bea nadukutan habang nagpapaka-turista sa Lisbon

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea nadukutan habang nagpapaka-turista sa Lisbon
Bea

Nadukutan pala ng wallet sa Portugal si Bea Alonzo.

Hindi nagbigay ng details si Bea pero may sinagot siyang isang follower nang paalalahanan siyang mag-ingat dahil marami nga raw dung magnanakaw lalo na sa tren.

Nag-post kasi si Bea days ago ng photo niya sa harap ng train : “nanakawan nga ako ng wallet” sagot niya sa nagpaalala na may kasamang crying emoji.

Siyempre hindi na bago ang kuwento ng mga nadudukutan sa parteng Europe.

Maalalang si Sam Milby at Gretchen Ho ay nadukutan na rin habang nagpapaka-turista sa Paris (Sam) and London (Gretchen).

Todo pictorial ngayon si Bea sa Lisbon, Portugal kung saan pinu­puri ang kanyang kaseksihan.

Coco bida sa Homily

Hanggang homily bidang-bidang si Cardo Dalisay (Coco Martin). Kuwento ni Father, minsan ay nag-post siya sa kanyang FB ng “Buhay ang presidente, buhay pa siya,” ito ‘yung midnight ng Sept. 21. Pero so­brang nawindang daw siya dahil dumagsa agad ang santambak na comments na ang karamihan ay nagagalit sa kanya dahil ikino-konek na sa Pangulong Duterte.

Eh ayon kay father na ‘wag na nating banggitin ang pangalan, ang post daw niyang ‘yun ay tungkol sa presidente sa Ang Probinsyano na ginagampanan ni Rowell Santiago.

Nanood daw siya last Friday at ‘yun ang naalala niyang dialogue na ‘buhay ang presidente, buhay pa siya.”

Ang point ni father, doon makikita ang totoong kulay ng isang tao na hindi naman nila alam kung ano ba ‘yun pero mabilis mag-react sa isang bagay.

Kaya naman kaagad niyang kinorek ang ibig sabihin niya sa nasabing post.

Action at love story salpukan sa takilya

Parehong Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang The Trigonal starring Ian Ignacio with Rhian Ramos (na naunang ipinalabas sa Cannes Filmfest)  and Exes Baggage nina Angelica Panganiban and Carlo Aquino.

Isang action at love story ang dalawang pelikula na showing na starting tomorrow, September 26.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with