^

PSN Showbiz

Marian ‘di pa puwedeng umaming buntis na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marian �di pa puwedeng umaming buntis na
Marian

Hindi sumagot si Marian Rivera sa text ko kung confirmed nga bang nagdadalangtao na siya.

Naalala ko pa sa nakaraang press launch ng ini-endorse niyang Canesten, ang saya ng mukha niya na sinagot kami ng “soon!” nang tanungin namin tungkol sa pagkakaroon ng kapatid ni Zia.

Hindi naman daw niya itatago ‘yun lahat, dahil masayang balita naman iyun na dapat niyang i-share lalo na sa mga taong mahal niya.

Pero may nagparating sa amin ng kuwentong totoo nga raw na buntis na uli si Marian.

Hindi lang daw siya puwedeng magsalita sa ngayon dahil baka may conflict pa raw sa ibang endorsements niya. Kaya mas mabu­ting hintayin na lang daw ang announcement nilang mag-asawa tungkol sa darating na blessing sa kanilang pamilya.

Nakatakdang umalis si Marian pa-Amerika para sa GMA show doon kasama sina AiAi delas Alas, Julie Anne San Jose, Christian Bautista at marami pang Kapuso stars.

Hintayin natin pagbalik kung ia-announce na niya pagbalik.

Magkatrabaho lang  Sabrina M., handang maging labandera at kasambahay

Napanood kamakalawa ng gabi sa Rated K ang exclusive interview nila kay Sabrina M na nakalabas na pala ng kulungan pagkatapos niyang masangkot sa kasong droga dalawang taon nang nakararaan.

Ang Rated K ang isa sa tumutok sa kaso ni Sabrina hanggang sa nakalabas ito. Isa pa sa tumulong at nakaaalala lang na dumalaw sa kanya ay ang kaibigan niyang si Katrina Paula.

Paglabas niya ng kulungan ay si Katrina muna ang sumalo sa kanya, dahil talagang wala raw itong dala paglabas niya ng kulungan.

Ngayon ay nasa pangangalaga raw ito sa dati niyang asawa na kasama ang isa nilang anak.

May dalawa pang anak si Sabrina na nandun naman daw sa tatay ng dalawang bata.

Ang tanging hangad lang daw ni Sabrina ay makabalik at makapagtrabaho uli dahil gusto niyang makasama ang tatlo niyang anak.

Kahit daw maging kasambahay o labandera ay gagawin daw niya basta magkaroon lang daw siya ng matinong trabaho. Naka-focus daw siya sa pagbabago at talagang tinalikuran na raw niya ang dating bisyo.

Hindi lang maipaliwanag sa amin ni Ka­trina kung paano nakalabas si Sabrina, dahil ang pagkakaalam ko hindi pa tapos ang kaso, at hindi naman siya nag-bail. Mas mabuting ang abugado na lang daw ang magpaliwanag.

Thankful lang sila dahil tinulungan daw ang da­ting sexy star ng ABS-CBN at inaayos nga raw ang makapag-guest ito sa Ang Probinsyano.

Grupo ng mga bading, gustong patakbuhin si Bong

Ilang grupo ng kabadingan ang kumausap sa akin na active pala sa LGBTQIA activities sa Laguna.

Sabi nila, tuwang-tuwa raw sila nang napabalitang kinukumbinseng tatakbo bilang senador ang dating Sen. Bong Revilla.

Marami raw silang grupo na kinabibilangan ng mga miyembro ng LGBTQIA sa buong Calabarzon na siguradong susuporta kay Sen. Bong.

Iyun lang naman daw ang hinihintay nila na babalik sa pulitika si Sen. Bong, para susuporta raw sila.

Pero napangiti lang si Sen. Bong nang kinuwento namin ito sa kanya. Marami nga raw ang kumukumbinse sa kanyang mag-file ng candidacy sa susunod na buwan pero hindi pa raw talaga niya ito kinukunsider.

Siyempre dapat na makalabas muna siya at gusto raw niyang gumawa ng pelikula.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with