^

PSN Showbiz

Lani nakakaiyak ang pagtanggap, Luigi hindi ramdam na anak sa labas!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lani nakakaiyak ang pagtanggap,  Luigi hindi ramdam na anak  sa labas!
Lani at Luigi

Kahit busy si Lani Mercado sa mga obligasyon niya bilang ina ng Bacoor City, tumutulong siya sa promo ng Tres, ang pelikula ng Imus Productions na pinagbibidahan ng kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

Hindi stage mother si Lani na may karapatan na mag-promote ng Tres dahil may special participation siya sa 72 Hours, ang episode na tinatampukan ni Jolo.

Personal na ni-request ni Jolo kay Lani na umapir ito sa 72 Hours at hindi naman siya binigo ng nanay niya. Take note, for the love of Jolo and Imus Productions ang guesting ni Lani dahil hindi ito naningil ng talent fee o naglambing ng honorarium.

Magkakasama na nag-guest sa Magandang Buhay sina Lani, Bryan, Jolo at Luigi. Must watch ang guesting nila sa morning talk show ng ABS-CBN dahil imposible na hindi mapaluha ang televiewers sa kuwento ng unang pagtatagpo nina Lani at Luigi.

Pinalakpakan si Luigi sa solo presscon nito para sa Amats ng Tres dahil sa kind words na sinabi niya tungkol kay Lani.

Ni minsan, hindi naramdaman ni Luigi na anak ito sa labas ( ito ang word na ginamit niya sa presscon ng Amats) dahil hindi ito ang ipinaramdam sa kanya ni Lani na itinuturing siya na tunay na anak, mula sa first time encounter nila hanggang ngayon. Para kay Luigi, si Lani ang second mother niya.

Kaso ng businesswoman na kalaban ni Joel  at ibang artista, may piyansa!

Bailable ang kaso ng grave oral defamation na isinampa ng businessman na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn “Kathy” Dupaya kaya sure na makakalabas ito ng kulungan kapag nakapaglagak siya ng piyansa.

Inaresto si Dupaya ng Taguig City Police noong Huwebes, September 20, sa isang condominium building sa Bonifacio Global City.

Inaresto si Dupaya dahil sa grave oral defamation, hindi para sa magkahiwalay na estafa cases na demanda sa kanya ni Papa Joel na nagkakahalaga ng P60 million at naka-file sa Maynila at sa Quezon City.

Mabilis na kumalat noong Huwebes ang balita tungkol sa pag-aresto kay Dupaya na hindi kathang-isip dahil lumitaw sa Internet ang mugshot niya at ang kanyang litrato habang nakakulong.

Hindi lamang si Papa Joel ang nagsampa ng kaso laban kay Dupaya dahil may reklamo rin ang ibang mga aktres na isinama niya sa Brunei at kinumbinsi na mag-invest sa kanyang mga negosyo.

Nang pumutok ang balita na dinakip at nakakulong si Dupaya, tahimik ang mga artista na inaway at ineskandalo niya sa social media at sa mga interview sa kanya sa telebisyon.

Tama lang na manahimik na ang mga artista na kalaban ni Dupaya. Hindi na nila kailangan na magsalita pa dahil sapat nang inaresto at nakulong ang kanilang ex-BFF.

I’m sure, malungkot si Dupaya at ang pamilya nito sa naging kapalaran niya. Kung hindi siguro dumikit si Dupaya sa mga showbiz personality, baka tahimik pa rin ang buhay niya.

Hindi nag-iisa si Dupaya dahil isa lamang siya sa mga private personality na nabago ang takbo ng buhay dahil naging active sa showbiz at nasangkot sa mga kontrobersya.

Hindi mortal sin na makipagkaibigan sa mga artista o mga showbiz personality pero may mga tao kasi na nalilimutan ang kanilang mga limitasyon.

Kadalasan, nadadawit sila sa mga showbiz issue dahil sa sobrang involvement sa personal life ng mga artista na nagiging kaibigan nila.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with