^

PSN Showbiz

Bong umayaw sa 2019 elections

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bong umayaw sa 2019 elections
Bong

Sunud-sunod na ang dumalaw kay dating Sen. Bong Revilla para batiin siya sa nalalapit niyang kaarawan.

Karamihan ay mga kapartido niya at mga kaibigan sa pulitika na nagkukumbinse sa kanyang tumakbo sa 2019 mid-term elections.

Kamakalawa lang nga ay dumalaw din doon si Speaker Gloria Arroyo. Maa­ring isa nga si Speaker GMA sa nagkumbinseng tumakbo siya.

Puwede naman daw siyang mag-file sa susunod na buwan kahit naka-detain pa ito sa Camp Crame.

Pero mabilis ang sagot ni Sen. Bong na wala pa sa plano niyang bumalik ng pulitika. Mas nami-miss daw niya talaga ang gumawa ng pelikula. Kaya kapag pinalad daw siyang makalabas bago matapos ang taong ito, gusto raw niyang gumawa ng pelikulang noon niya pa pina-plano.

Sa mga dumalaw sa kanya, marami ang nagsa-suggest ng pelikulang gagawin, at kung sino ang makasama. Pero talagang pinu-push ni Manay Lolit Solis na si Maine Mendoza ang makakasama niya sa comeback movie niya.

Kaya todo dasal na lang si Sen. Bong pati ang buong pamilya na matapos na itong kaso niya at maganda ang kalalabasan, para makalaya na siya.

Iyun naman ang birthday wish ng lahat sa kanya na kung saan ipagdiriwang na niya ang kanyang 52nd birthday sa darating na Martes, September 25.

Dagdag na dasal pa ni Sen. Bong at ng buong pamilya ay ang box-office success ng pelikulang Tres nina Jolo, Bryan at Luigi Revilla dahil hudyat na rin itong magpaka-active na ang Imus Productions.

Regine handa nang maging kapamilya

Nung nakaraang Martes, September 18 na pala ang last taping ni Regine Velasquez sa Sarap Diva kung saan ipinagdiwang nila ang kanilang 6TH anniversary.

Hindi raw napigilang maluha ni Songbird nang nagpaalam na siya sa kanyang staff.

Nabanggit nga niyang meron pa raw siyang gustong gawin na hindi niya magagawa sa GMA 7 kaya napagdesisyunan na niyang lumipat. Maaring magagawa nga niya iyun sa Kapamilya network.

Abangan na lang natin pagbalik nila mula sa US concert series, dahil doon na raw ia-announce ang contract-signing sa Kapamilya network.

Ang latest pang nasagap namin, itutuloy pa rin daw ang Sarap Diva. Maghahanap na lang ng host na puwedeng ipalit sa iiwanang puwesto ni Ms. Regine.

Sino kaya ang bagay?

The Clash lumalaban

Pataas nang pataas ang rating ng The Clash.

Ang dami kasing nag-react nung natanggal na si Mommy Esterlina Olmedo ng Cebu dahil isa pa naman siya sa mga paboritong clashers.

Ngayong anim na lang ang natira, ito na talaga ang sinasabi ngang matira ang matibay.

Mamayang gabi sa The Clash ay may ia-announce raw ang Clash master na si Regine ng isang twist na ikaloloka ng mga clasher lalo na ang mga sumusubaybay nito. Abangan kung ano ang iri-react dito ng Clash Panel na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with