Kapuso stars ayaw paawat sa paglilibot sa mga probinsya

MANILA, Philippines — Busy at productive ang buong buwan ng Agosto para sa GMA Regional TV.

Unang araw pa lamang ay nagpasaya na sina Kapuso stars Gabby Concepcion, Thea Tolentino, at Jason Abalos sa Compostela Valley para sa Kapuso Fiesta.

Nagkaroon naman si Ashley Ortega ng isang Kapuso Meet and Greet sa SM CDO Downtown Premiere noong August 3.

Sa Davao, marami ang napakanta at napasayaw sa Kapuso Mall Show nina Alexander Lee at Marucci sa Abreeza Mall noong August 4.

Nagtungo naman sina Mikael Daez at Megan Young ng The Stepdaughters sa SM Center Lemery, Batangas noong August 16.

Ang cast ng Ika-5 Utos na sina Klea Pineda, Migo Ade­cer, at Jeric Gonzales ay may Kapuso Mall Show rin sa Robinsons Place Pangasinan noong August 17. Nakisaya pa rito si Asia’s Pop Balladeer at The Clash judge Christian Bautista kasama ang Clashers na sina Garret Bolden, Anthony Rosaldo, at Psalms David.

Nasa Robinsons Place Iligan naman sina Ika-5 Utos stars Jake Vargas at Inah de Belen upang i-promote ang kanilang bagong show. Present din ang Clashers na sina Josh Madaliday, Melbelline Caluag, at Josh Adornado.

Star-studded ang Kadayawan Festival ng Davao. Noong August 18, bumida sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Mall Toril ang cast ng Onanay na sina Jo Berry, Mikee Quintos, Kate Valdez, Rochelle Pangilinan, Vaness Del Moral, at Enrico Cuenca. Kinabukasan, inabangan ng mga Dabawenyo ang pagsampa ni Kapuso Prime Actor at Victor Magtanggol lead star Alden Richards sa Kapuso float bilang pakikiisa sa Pamulak sa Kadayawan. Kasama ni Alden sina Pancho Magno, Kristoffer Martin, at Dion Ignacio.

Kinahapunan, dinumog ang Kapuso Mall Show ng Victor Magtanggol sa SM City Davao kung saan nakasama nina Alden, Pancho, Kristoffer, at Dion ang kanilang co-star na si Andrea Torres. Isang mini-concert pa ang handog ni Asia’s Nigh­tingale at The Clash judge Lani Misa­lucha kasama ang Clashers na sina Charline Fiel, Lyra Micolob, at Chemp Raña.

Sa Iloilo, pinakilig nina Bian­ca Umali, Kyline Alcan­tara, at Miguel Tanfelix ang nagtipong fans sa Vista Mall Iloilo. Naroon din ang Clashers na sina Kyryll Ugdiman, Mika Gorospe, at Jasmine Fitzgerald. Nasa Robinsons Place Ilo­ilo naman si Tom Rodriguez at Thea Tolentino para sa isa pang Kapuso Mall Show.

Noong August 20, ang mga bida ng Contessa na sina Glaiza de Castro at Lauren Young naman ang may Kapuso Mall Show sa SM City Lucena, Quezon kasama si Ruru Madrid.

Nagtungo rin si Alden sa Robinsons Place Pangasinan noong August 21 para sa isang Kapuso Mall Show kasama sina Pancho Magno, Lindsay Johns­ton, at Dion Ignacio.

Pinasaya naman ni Gabby Concepcion ang mga Ilonggo nang lumipad siya sa Iloilo City upang ipag­diwang ang Senior Citizen Day ng lungsod noong August 22.

Magkakasama sina Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Inah de Belen, at David Licauco sa Robinsons North Tacloban noong August 23.

Game na game rin para sa Kapuso Meet and Greet sina Jason Abalos at Donita Nose noong August 24 at 25 bilang bahagi ng Iloilo Charter Day celebration sa Plaza Libertad.

Guest naman si Tom Rodriguez sa Miss Caga­yan De Oro Coronation Night noong August 25.

Pinagdiwang naman nina Jason Abalos, Mika Dela Cruz, at David Li­cauco ang Higalaay Festival ng Cagayan de Oro sa pamamagitan ng isang Kapuso Mall Show sa Centrio Mall noong August 30.

Lumipad naman papuntang Bacolod noong August 31 sina Victor Magtanggol stars Alden Ri­chards, Andrea Torres, Janine Gutierrez, Pancho Magno, at Dion Ignacio kung saan nagkaroon sila ng Kapuso Fans Day sa Robinsons Place.

Bukod sa successful regional events, gumawa ring muli ng kasaysayan ang GMA Regional TV sa pagsisimula ng pioneering Hiligaynon news program na One Western Visayas noong August 27.

Sinimulan din ng GMA RTV noong Agosto ang advocacy nitong #SpreadKindness na may layu­ning kilalanin mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga ordinaryong tao na gumawa ng mabuti sa kapwa.

Show comments