^

PSN Showbiz

Jake Zyrus bingi-bingihan sa pakiusap na dalawin ang lola sa ICU!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jake Zyrus bingi-bingihan   sa pakiusap na dalawin  ang lola sa ICU!
Jake

As of presstime, hindi pa nakakadalaw si Jake Zyrus o Charice Pempengco sa lola niyang si Tess Pineda na nasa ICU pa rin hanggang ngayon.

Nag-post si Racquel Pempengco sa kanyang Facebook account nung nakaraang Martes, September 18 ng madaling araw kaya kinontak namin siya thru text at matagal bago siya nakasagot. Huwag daw muna namin ibalita kung ano na ang kalagayan ng kanyang ina, pero sinabi niyang hindi pa rin nakakadalaw si Jake.

Bahagi ng text niya sa akin; “So far, kahit anino ng anak ko at manager niya wala dito.”

Marami pa raw siyang gustong sabihin, pero saka ko na raw siya tawagan dahil papunta pa siya sa hospital.

Wala lang kaming paraan kung paano ma-contact si Jake, para matanong sana namin kung may balak ba itong dumalaw sa kanyang lola.

Hindi rin maganda ang namagitan sa mag-inang Racquel at si Lola Tess, kaya maaaring tungkol ito sa hidwaan nilang mag-ina ang ipinost niya nung nakaraang Lunes, September 17.

Sabi niya; “Darating talaga ang araw na kakailanganin nila ako. Kaya kailangan kong magpakatatag, Kahit anong sama ng loob ko heto pa rin ako…Naiinis ako sa sarili ko. Gusto ko silang tikisin pero di ko magawa…Pero at the end of the day masama pa rin ako sa kanila. I’ll forgive but I’ll never forget.”

Malapit sa mga reporter si Lola Tess. Isang tawag lang namin, kaagad na pinagbibigyan niya kami ng interview kapag may isyu tungkol sa kanyang apo at pati kay Racquel na nakasamaan din niya ng loob. Kaya marami rin sa mga movie press ang nabahala sa kanyang kalagayan.

Sana nga malagpasan ito ni Lola Tess, at ma­ging daan na rin sana ito na magkakaayos na silang mag-anak.

Dahil sa kamalditahan, magaling na aktres ginugulpi ng patalikod ng mga staff

Dapat talaga marunong makisama ang mga artista sa production staff ng programang kinabibilangan nila para hindi sila tsinitsismis o paglalaruan.

Kapag marunong ka ka­sing makisama sa kanila, kahit may konting problema ka sa programa, sila pa ang magtatanggol sa ‘yo at magrerekomenda sa susunod nilang programa.

Hindi siguro marunong makisama itong magaling na aktres sa production staff kaya hindi siya aware na merong theme song ang production staff para sa kanya.

Kapag nasa set daw ito, iisang kanta lang daw ang kinakanta ng mga staff, itong pinasikat ni Ronnie Liang na Ngiti.

Bakit? Kapansin-pansin na raw kasi ang madalas na pagngiwi ni aktres sa mga eksena nito.

Medyo hirap na nga raw itong mag-dialogue dahil medyo nauutal-utal na siyang magbitaw ng dialogue. Pero kapansin-pansin daw ang pagngingiwi nito, kaya behind the camera, nagkakantahan daw ang mga staff ng “sa iyong ngiwi, ako’y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y tumitigil…”

Ganun katinding manlait ang ibang staff kung hindi mo talaga sila napapakisamahan nang maayos.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with