Sikat na basketbolista, lumaki sa saya ng nanay!

Sa biglang tingin ay parang napakabrusko ng isang male celebrity. Nakikipagbalyahan siya, nakikipagsukatan ng lakas sa linyang kinabibilangan niya, pero nakakaloka pala ang pagiging mama’s boy niya.

Lumaki pala sa saya ng kanyang ina ang male celebrity na ito, hindi siya makakilos nang hindi muna nagpapaalam sa kanyang mommy dearest, ito pala ang nagdedesisyon para sa kanya.

Kuwento ng aming source na mula ulo hanggang paang nakakakilala sa male celebrity, “Sa malapitan at malayuan, e, brusko siyang tingnan, di ba? Pero wait, maraming kuwento tungkol sa lalaking ‘yun na tinitilian ng mga fans!

“Sobrang mama’s boy siya. Magpapagupit lang siya ng buhok, e, kailangan pa niyang tanungin sa mommy niya kung puwede na. Nagagalit kasi ang mommy niya kapag nakapagpagupit na siya nang walang paalam.

“Nakakaloka talaga siya, pero ang pinakalukang-luka sa ganu’ng ugali niya, e, ang female personality na nakarelasyon niya. Nagtagal din sila, malawak kasi ang isip ng aktres, kinaya niyang tiisin at pakibagayan ang pagiging mama’s boy ng boyfriend niya,” simulang kuwento ng aming source.

Maasikaso ang aktres, ‘yun ang minahal sa kanya ng male celebrity, pero may mga pagkakataong parang gusto na ring sumuko sa pakikipagrelasyon ng babae dahil sa pagiging makaina ng lalaki.

“Magaling kasing magluto ang girl, very independent ang babae dahil matagal siyang tumira sa ibang bansa. Kaya nga sila nagkasundo ng guy, e, dahil parehong Western ang ugali nila. Pero hindi independent ang lalaki, hindi pa rin siya naaawat sa dodo ng nanay niya.

“Naiinsulto ang girl dahil kapag kakain na sila, e, inire-report ng male celebrity sa mommy niya kung anu-anong food ang nasa mesa. Puwede raw ba siyang kumain ng ganito at ganyang food?

“Kapag sinabi ng mommy niya na hindi siya puwedeng kumain ng pasta dahil tataba siya, kahit gaano kagusto ng guy ang food, hindi niya talaga kakainin ‘yun dahil ayaw ng mommy niya!

“Ilang panahon pa, nakipagkalas na rin ang girl sa male celebrity. Ang huli niyang sinabi sa guy nu’ng paalis na siya, ‘Magsama kayong dalawa ng ina mo!’

“Nakakaloka! Kung makipagbalyahan sa hardcourt ang guy, e, wagas! Halos makipagsuntukan na siya, pero wagas na wagas din pala ang pagiging mama’s boy niya! Chuchu, three points!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mocha naduwag sa mga hagupit

Sa unang pagkakataon ay narinig ng buong bayan ang panghihingi ng dispensa ni Asec Mocha Uson dahil sa ginawa nilang paggamit ng sign language ng kanyang kasanggang si Drew Olivar.

Nakatikim sila ng hagupit ng mga negatibong komento mula sa mga organisasyong tumutulong sa mga kababayan nating PWD (persons with disability). Galit na galit kay Asec Mocha ang mga magulang ng mga batang pinagdamutan ng kapasidad na makarinig at makasalita.

May tinanggap kaming mahabang komento ng magaling na singer-performer na si Dr. Nonoy Zuñiga sa pamamagitan ng kanyang manager na si Tita Nelia Lim na ganito ang nilalaman.

“PWD And Sign Laguage: Not A Laughing Matter.

“The recent video posted by Mocha Uson and her friend Drew Olivar, had already garnered a lot of comments and reactions most especially from the PWD community. I need not reiterate and rephrase those comments since obviously, being a PWD myself, the use of the sign language is never a laughing matter.

“It is sacred to the hearing-impaired people. It is their bridge to the world. Using it with signs and gestures (some inappropriate) by someone who doesn’t even have the knowledge of it is simple appalling. That kind of behavior should’ve just been between themselves.

“What I aim to point out is the necessity of civility and reverence that we expect from someone who is supposed to serve (being part of the Presidential Communications Operations Office) the citizens and to be in the know. It is apparent that Mocha Uson has not learned the lessons of posting responsibly, being a member of the government.

“Perhaps the real issue we have to see now, is her worthiness of a public office position and why we are being forced to tolerate it.”

Dagdag na komento ni Tita Nelia Lim, “Nonoy is the PWD who oversaw the drafting and passing of Republic Act No. 7277 or the Magna Carta for Disabled Persons between 1990-1992 and further engaged in the development of its Implementing Rules  and Regulations which was finally signed into law in 1994.”

Show comments