Miss Millennial ng EB, mas ginastusan na

Balik- telebisyon ang Miss Millennial competition na may 40 candidates  mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Matapos ang successful first run nito last year, inipon uli ng Eat Bulaga ang mga local beauty titleholders at hinamon ang mga ito na i-represent ang kanilang mga probinsya sa naiibang paligsahan ng kagandahan.

‘Di tulad ng mga nakasanayan ng beauty pageants sa bansa, ang Miss Millennial Philippines ay mas magbibigay halaga sa pagpo-promote ng tourism potential ng isang lugar sa tulong na din ng mga millennial contestants na magsisilbing ambassadress ng kanilang lalawigan.

“Last year’s journey was really an eye opening one for all of us. Personally, mahilig akong mag-travel and nung nagsimula na ‘yung pa­geant, na-guilty ako na ‘di ko pa napupuntahan ‘yung ibang mga magagandang lugar na nai-feature sa telebisyon. Gugustuhin mo talagang dumalaw at tikman yung mga nagsasarapan nilang mga pagkain. Gusto namin na ulitin yun, na mag-spark ng same curiosity sa audience,” saad ni Eat Bulaga’s SVP for Creatives and Operation, Jeny Ferre.

Ayon pa kay Ms. Jeny, maliban sa pag-represent ng kanilang mga probinsiya, mag-produce rin ang mga millennial contestants ng mga eye-catching television and online videos na mas makakapagpakilala sa kanyang hometown na ipapalabas araw-araw sa longest-running noontime variety show at sa ibang mga social media websites.

“Essentially this is about tourism, but the heart of this pageant is the energy of the young people. Gusto namin ipagsama ang traditional media at ang online sa pag highlight ng mga must-see places ng bansa. Nais naming gamitin sa positibong pamamaraang ang mga online platforms na ito para ipaalam at ipakita kung gaano kaganda ang Pilipinas,” saad pa ni Ferre.

Inamin din nito na sa lahat ng well-loved segments ng Eat Bulaga, ang Miss Millennial Philippines ang pinakamahirap at pinakamahal na i-produce sa telebis­yon. Maliban kasi sa logistics and production constraints, hindi rin umano madali ang mag-gather ng 40 candidates na may iba’t ibang background at galing sa iba’t ibang lalawigan.

Para sa taong ito, ang grand winner, na ma-determine base sa pinakamadaming text and online votes, ay magkakaroon ng house and lot mula sa Camella Homes, brand new Montero Sport at P500,000.

 Maga-award din ang Eat Bulaga ng isang Miss Bayanihan Queen, ang dalaga na nakagawa ng pinakamagandang tourism campaign para sa kanyang probinsya. Mabibigyan ang nasabing lugar ng P1 million para tustusan ang isang local tourism project. 

Ang 40 dilag na maglalaban-laban para sa Miss Millennial Philippines 2018 korona ay sina: Sharmaine Dela Cruz (Zamboanga), Mae Angela Miguel (Zambales), Maria Isabel Alves (Parañaque), Marela Glospeah Caro Juaman (South Cotabato), Ina Louise Abello (Palawan), Jaila Ragindin (Bataan), Kate Maureen Sunga (Guimaras), Denice Fritz Daligcon (Apayao), Danna Rose Socaoco (Misamis Oriental), Ellen May Otalla (Rizal), Verna Ricaella Franco (Tarlac), Kiezel Mellado (Sarangani), Trisha Aceret (Ilocos Norte), Shaira Marie Rona (Mandaluyong City) at Ma. Gienel Caling from Nueva Ecija.

Marissa Ruado (Masbate), Daphne Kyara Marie Algrame (Negros Oriental), Jennifer Lemaitre (Laguna), Jewel Palacat (Ilocos Sur), Shaila Rebortera (Cebu), Merrielle Sarmiento (Oriental Min­doro), Femush Lyssa Maynes (Nueva Vizcaya), Elaiza Monica Mascarinas (Compostela Valley), Eloiza Canlas (Pampanga), Lesly Joy Sim (Quezon Province), Alyssa Angelica Dacuno (Samar), Trissia Aldave (Camarines Sur), Ivory Felix Calampinay (Malabon), Elisha Libres (Davao del Sur), Joanna Kalkschmidt (Capiz), Zane Anne Deza Parel (Isabela), Lady Justerinnie Santos (Bulacan).

Samantala, ang mga probinsyang first time na sasali sa competition ay ang Batanes (Ma. Ellena Velasco), Aurora (Verny Abby Zabat), Bukidnon (Sunshine Gumbao), Abra (Chanel Mistyca Corpuz), Siquijor (Neriz Lantaca), Agusan del Sur (Judie Anne Castro), Iloilo (Demi Patria Jainga) at Jolo, Sulu (Nur Shaira).

Mapapanood ang Miss Millennial Philippines 2018 tuwing tanghali, mula Lunes hanggang Sabado, sa Eat Bulaga at GMA Network. 

Show comments