^

PSN Showbiz

Daniel hindi pinayagang kumanta si Kathryn sa kanyang concert

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel hindi pinayagang kumanta  si Kathryn sa kanyang concert
Kathniel

Abala na ngayon si Daniel Padilla sa paghahanda para sa nalalapit niyang concert na D4: Daniel Padilla Back at the Araneta.

Ayon sa aktor ay hindi masasaksihan ng mga tagahanga na kakanta o sasayaw ang kasintahang si Kathryn Bernardo sa kanyang concert na gaganapin sa October 14. “Oo siyempre naman nandiyan ‘yan pero hindi siya kakanta. Gusto niya lang for the night ay isa lang siyang fan girl ko,” natatawang pahayag ni Daniel.

Samantala, malapit na ring simulan ang shooting ng bagong pelikula ni Kathryn na Three Words To Forever. Sina Sharon Cuneta at Richard Gomez ang makakasama ng dalaga sa pelikulang ito ng Star Cinema. Hindi makakatambal ni Kathryn si Daniel ngayon at hindi raw tatanggapin ng aktor kung sakali mang bigyan siya kahit cameo role para dito. “Ako excited ako sa pelikula na ‘yon. Cameo, hindi, behind the cam ako sasali, let’s see. Huwag na kung pilit lang naman huwag na. Ang importante ‘yung pelikula nila,” giit ni Daniel.

Matapos mabagsakan ang mukha, Lance todo gym na naman

Mahigit apat na taon na ang nakalilipas mula nang maaksidente si Lance Raymundo sa gym habang nagwo-workout.

Sumailalim sa ilang reconstructive facial procedure ang singer dahil sa pagkakaroon ng facial bone fractures nang mabagsakan ito ng barbell noon. Ngayon ay muling nagbabalik si Lance sa pagkanta sa pamamagitan ng single  niyang  #YATO o You Are The One. “When you disappear it’s hard to get back in showbiz. After all these years Viva open their doors to me again and embraced me again as an artist. The first time it was a minor hit pero Viva believes that it deserves a second chance to the people kaya we made it, rearranged it, and reincarnated it as #YATO,” pagbabahagi ni Lance.

Ayon sa singer ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan dahil sa nangyaring aksidente sa gym. “After the accident I realized what my actual worth in this world is. Because during the accident I was faced with the prospect na hindi naman makakabalik na ako sa dati. The doctor never gave us assurance if I could walk again. Hindi ko alam kung mabubuo ‘yung mukha ko. No’ng sira ang mukha ko and I was wheelchair-bound, I realized na hindi naman nabawasan ‘yung pagkatao ko. I’m still Lance, I’m still 100 %. It made me value the inner more kasi nakita ko na kung sakali I spent the rest of my life wheelchair-bound na in society considered ugly siguro. If buo ‘yung pagkatao ko then how can that hamper me from realizing my dreams in this life di ba? So everything outside is just a bonus for me,” makahulugang kwento ni Lance.

Wala umanong sinisi ang singer sa nangyaring aksidente at hindi rin siya nagkaroon ng trauma dahil dito. “Wala, zero as in wala talaga. I do the same exercise. I’m brave like that,” pagtatapos niya.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with