Jolo
Jolo naluha nang mabanggit si Jodi
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2018 - 12:00am

Klea magsisimula nang mag-training para tularan si Pia

PIK: After almost 16 years, ngayon lang uli nagsama sina Jean Garcia at Tonton Gutierrez. Bukod sa loveteam dati nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa Pangako Sa ‘Yo, nag-hit din ang tandem nina Jean at Tonton at kasama pa si Eula Valdez.

Pagkatapos nun ay hindi na ito nasundan. Hindi na sila nagsama uli kahit guestings man lang.

Ngayon ay sila uli sa bagong afternoon drama ng GMA 7, ang Ika-5 Utos na magsisimula na sa September 10.

Pareho nga raw silang excited nang nalaman nilang magkasama sila uli, dahil naging okay daw talaga ang samahan nila sa dati nilang teleserye. Ani Tonton; “Na-miss ko siya (Jean). Surprisingly, ganun pa rin yung feeling nung nagkatrabaho kami ngayon. Parehas pa rin, yung tawa niya, ganun pa rin, hindi nagbago, parang hindi tumanda. Magaling pa rin.

“Saka ang isa sa hindi nagbago, hindi siya puwedeng i-kiss sa lips.”

Dagdag na pahayag ni Jean; “Magkaibigan naman kami talaga ni Papa Ton eh.

“Isa kasi si Tonton sa kumportable ako kaeksena, walang malisya, walang kaba, very comfortable. Kumportable kami sa isa’t-isa.”

PAK: Kasama rin ang Starstruck Female Survivor na si Klea Pineda sa Ika-5 Utos at Starstruck Male Survivor na si Migo Adecer.

Sa presscon nito kamakalawa lang, nabanggit ni Klea sa amin na nakipag-meeting na raw siya sa Binibining Pilpinas dahil gusto raw talaga niyang sumali sa naturang beauty pageant. Target daw niya talaga ang titulong Bb. Pilipinas-Universe.

Pero aminado ang Kapuso young actress na masyado pa siyang bata para sumali dahil 19 years pa lang siya. “Kaya nga po isa rin ‘yun sa reasons kung bakit gusto ko 21 or 22 years old ako sasali.

“Kasi sa ngayon, wala pa mas­yadong life experience na pumasok sa akin. Hindi pa po talaga ako nag-mature sa mga nangyayari sa life ko,” dag­dag niyang pahayag.

Si Pia Wurztbach nga raw ang gusto niyang sundan na kahit ilang beses sumali, gagawin daw niya basta masungkit lang niya ang korona ng Bb. Pilipinas-Universe.

Basta magsisimula na raw siyang mag-training dahil marami pa raw ang aayusin sa kanya.

BOOM: Matagal bago nakasagot ang Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang tinanong siya kung ano ang nami-miss niya kay Jodi Sta. Maria ngayong kumpirmadong break na sila.

Sinabi naman niyang single siya ngayon, at itinatanggi niyang nagkakadebelopan na sila ng leading lady niya sa pelikulang Tres na si Rhian Ramos.

Nakiusap si Jolo na kung puwede huwag na masyadong pag-usapan ang tungkol sa isyu nila ni Jodi, dahil mas mabuting sa kanila na lang daw iyun.

“All I can say is I have highest respect for her and for her family, and I’ll be treasuring everything,” tipid na sagot ni Jolo.

Magsisimula na kasi siyang mag-promote ng pelikula nilang magkakapatid, ang Tres na nakatakda na ang showing sa October 3.

Okay naman daw siya ngayon, pero muntik nang maluha si Jolo nang napag-usapan na ang tungkol sa kanila ni Jodi at aminado siyang tila may bumara sa lalamunan niya nang sinagot niya ang tungkol sa kanila ni Jodi, pero okay na okay na raw siya ngayon.

Mas mag-focus na lang siya ngayon sa promo ng pelikulang Tres at sa regular taping niya sa Ang Probinsyano.

JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with