Goyo puwede pang i-edit!

Paulo

SEEN: Ang pasasalamat ni former Senator Jinggoy Estrada kay Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa endorsement nito sa senatorial bid niya sa May 2019. Suportado rin ni Sara ang pagkandidato bilang senador ni former presidential daughter at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

SEEN: Sina Bea Alonzo, Lovi Poe, JC Santos, Iza Calzado, Rhian Ramos, JM De Guzman, Carla Abellana, John Arcilla, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion Reyna at Jeremy Marquez ang ilan sa mga showbiz personality na dumalo sa grand premiere night ng Goyo: Ang Batang Heneral sa mga sinehan ng SM Megamall noong Huwebes.

SCENE: May mga eksena sa Goyo: Ang Batang Heneral na puwedeng i-edit para hindi mabagot ang manonood sa pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

SEEN: Fictitious character si Joven Hernando, ang papel na ginampanan ni Arron Villaflor sa Goyo: Batang Heneral at Heneral Luna. Si Cris Villanueva ang gumanap na old Joven sa Goyo at isa lang ang eksena niya na walang dialogue sa pelikula.

SCENE: Ipinakita sa premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral ang trailer ng mga bagong pelikula ng TBA Studios, ang Kung Paano Ka Nawala na tinatampukan nina Rhian Ramos at JM De Guzman at Tayo sa Huling Buwan ng Taon na pinagbibidahan ni Emmanuelle Vera at Nicco Manalo, ang anak ng television host at comedian na si Jose Manalo.

SEEN: Sa Podium Mall sa Ortigas Center ang opisina ng bagong business venture ng television host na si Paolo Bediones kaya madalas siya na makita sa nasabing mall.

SCENE: Hindi lamang aktor si Pepe Herrera dahil singer din siya. Si Pepe ang kumanta ng theme song ng The Hopeful Romantic, ang first movie team up nila ni Ritz Azul. Unang nagkatrabaho sina Pepe at Ritz sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Show comments