Jolo
Jolo naudlot ang pag-aaral sa Harvard!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2018 - 12:00am

PIK: Ipinagpaliban na muna ni Ca­vite Vice Governor Jolo Revilla ang pag-aaral niya sa Harvard University sa susunod na buwan dahil malapit na pala ang showing ng pelikula nilang Tres kasama ang mga kapatid niyang si Bryan at Luigi Revilla.

Kung hindi ako nagkamali, sa October 3 na ang showing nito at kailangang buong September ay nagpu-promote sila.

In fairness na magkapatid na Revilla, talagang naglabas pa sila ng personal nilang pera para gastusan lang ang ilang eksena na gusto nilang gawin.

Lalo na si Jolo na sobrang involved sa production nitong pelikula, binusisi nang husto ang episode niya para lalong mapaganda at mas matindi ang mga action scenes.

PAK: Medyo humahataw kahapon ang mga pelikulang palabas sa mga sinehan dahil holiday.

Nadaanan ko nga sa cinema ng SM Megamall, mahaba-haba ang pila ng mga taong kumukuha ng ticket.

Mukhang ang Crazy Rich Asians at Miss Granny lang naman ang naglalaban sa takilya.

Sa loob ng limang araw, halos 60M na ang kinita ng Miss Granny at ang Crazy Rich Asians naman ay halos naka-80M na raw dito sa atin.

Sa Asian countries nga, ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalakas na kinita ng CRA na sumusunod sa Singapore, dahil siyempre dun kinunan ang pelikula.

Pero patuloy pa rin sa paghataw ang Miss Granny nina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim.

Totoo kayang 200M ang tinatarget nilang kikitain ng pelikula?

Ewan ko lang kung kayang maabot dahil bukas na papasok ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Tingnan natin kung alin sa dalawang pelikulang ito ang kayang lagpasan ang record ng Sid and Aya na naka-160M.

BOOM: Itong proposal kay Sheena Halili ang masasabing sagot sa mga dasal niya.

Noon pa sinasabi ni Sheena na talagang ipi­naubaya niya sa Diyos ang lahat kung sino ang nararapat na lalaki para sa kanya. Ito na nga siguro si Jeron Manzanero. Kaya masaya ang lahat na mga close friends ng magkasintahan lalo na sina Maine Mendoza at Juancho Trivino.

Ang tanong ng ilang nakakaalam sa friendship ng apat, kelan naman daw mag-open sina Maine at Juancho?

Tinitiyak ng aming reliable source na wala raw talagang namagitan sa dalawa.

Magkaibigan lang daw talaga, na ewan ko kung alam ni Juancho na merong isang non-showbiz guy na pumuporma raw ngayon kay Maine.

JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with