Arci susubukan kay Pepe!

Arci at Pepe

Si Pepe Herrera naman ang pinaka-bagong leading man ni Arci Muñoz. Opo, nagbabalik na ang magaling na nagsimula sa theater bago naging artista sa pelikula at TV mula sa isang mahabang bakasyon kung saan ay sinamahan niya ang kanyang ina sa pagpapagaling nito sa isang karamdaman.

Ewan ko kung natapos niya ang stint niya sa Ang Probinsyano o kusang iniklian ang role niya para madali siyang makaalis. Pero, sinabi ni Pepe na hindi niya iniiwan ang pag-aartista niya.

Isang digital series ang gagawin ng bagong tambalan na may pamagat na John & Martian, isang rom-com tungkol sa isang taga-lupa at isang taga-Mars. Si Arci ang gaganap ng role ng alien. Mga apat na oras ang kinakailangan para siya malagyan ng prosthetics.

TNT boys naguguluhan kung paano paghahatian ang napanalunang bahay

Isa sa maipagkakapuring katangian ng grupong TNT Boys ay ang kagalingan nilang kumanta ano mang oras na mahilingan sila, may minus one o wala. Mukhang napag-aralan na at nakagamayan ng tatlong kabataang lalaki ang kumanta ng acapella, at hindi nababawasan ang kagandahan ng pagsasanib ng kanilang mga boses.

Wala pang nababanggit kung paano nila paghahati-hatian ang mga premyo nila sa Your Face Sounds Familiar Kids season 2, yung P1M madaling hatiin sa tatlo pero, paano yung house & lot, atbp.? Sinabi nila na magiging pantay ang hatian at hindi ito magiging problema nila. Nakatakda silang pumunta ng Singapore para kumanta kasama ang MayWard at BoybandPH. Gusto ng tatlo na maging artista na napagtagumpayan na ni Mackie Empuerto na nakasama sa pelikulang Bakwit Boys na kung saan ay pinuri ang kanyang ginawang pag-arte pero, sina Francis Concepcion at Kiefer Sanchez ay kailangan pang matutong umiyak. Handa naman silang mag-workshop.

Triple Fret nagpakitang gilas sa Japan

Bumandera naman sa Japan ang isang grupo ng tatlong babaeng gitarista, ito ay sa 27th Japan Guitar Ensemble Festival na ginanap sa Shinigawa, Tokyo. Sila Ang Triple Fret na binubuo nina Jenny de Vera, Iqui Vinculado at Marga Abejo. Nanalo ang tatlo ng Japan Guitar Association Award  at Harumi Award for Best Performance of an Original Composition. First prize rin sila last year sa Guitar Ensemble Category sa Tarrega Malaysia International Festival.

Pawang mga music graduates ang tatlo, si Iqui sa UST at sina Jenny at Marga sa UP. Nabuo ang Triple Fret nung 2014. Huli silang napanood sa The Podium sa Ortigas Center. Tumutugtog sila ng mga klasiko at maging ng mga pop music. 

Show comments