Hunk actor, haggard na sa sobrang pagbababad sa young actress!

PIK: Sandali kaming nagkatsikahan ni Janine Gutierrez sa birthday party ni Mother Lily Monteverde nung nakaraang Linggo, at nabanggit niyang nag-i-enjoy daw siya sa mga stunt na ginagawa niya sa Victor Magtanggol.

Hindi niya makalimutan ang stunt na ginawa niya sa naturang telefantasya na kung saan isinabit siya sa isang building.

Hindi nagpa-double stunt si Janine dahil gusto rin daw niyang harapin ang fear niya sa matataas na lugar.

Nag-training din naman si Janine sa mga stunts, kaya tingin daw niya kakayanin naman niyang gawin iyun.

PAK: Pinagsasabihan na itong si kilalang young actor na ayusin ang sarili dahil mukhang haggard na ito sa weekly show na nilalabasan niya.

Lagi raw kasi itong nakababad sa kilala ring young actress na bagong girlfriend daw nito. Nagpupuyat daw ito sa piling ni young actress.

Sila na palang dalawa na kinumpirma sa amin ng taong malapit sa dalawa.

Parang ayaw maniwala ng mga nakaalam sa relasyon ng dalawa dahil kabi-break lang daw ni young actress sa dating boyfriend at ka-love­team na si guwapito ring young actor.

Parang hindi na raw kasi dumaan sa pag-move on dahil nakahanap kaagad ng kapalit na boyfriend sa katauhan nitong si hunky young actor.

Ang ganda naman kasi, ang sexy pa kaya ang daming nagkakagusto sa kanya. Ganun lang ‘yun!

BOOM: Nag-enjoy nang husto ang buong cast ng Kambal Karibal sa kanilang reunion na ginanap sa tahanan ni Marvin Agustin.

Si Marvin daw ang naghanda ng hapunan na mala-boodle fight pero sobrang sosyal daw ng mga pagkaing inihanda.

Halos kumpleto ang lahat, at masaya naman daw na nagkatsikahan doon ang naiintrigang sina Bianca Umali at Kyline Alcantara.

Tinanong namin ang ilang dumalo sa naturang reunion at wala raw iwasan. Okay naman daw ang dalawa.

Sa katunayan, nag-taping pa raw ang dalawa ng one-month series ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Kuwento ng isang source na nasa taping, medyo tensed daw ang production staff dahil baka makaapekto raw ang isyu ng dalawa na nangyari sa regional show nila sa Iloilo City nung nakaraang Linggo. Pero hindi naman pala.

Professional naman daw ang dalawang young actress na kahit magkahiwalay sila ng dressing room, pagdating sa eksena okay na okay sila.

Show comments