^

PSN Showbiz

Richard pinaghahandaan si Bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard pinaghahandaan si Bea
Bea

Kasama si Richard Gutierrez sa pelikulang Fantastica na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan. “Third shooting pa lang, okay naman, masaya. Masaya ‘yung mga eksena, walang tigil na tawanan for sure ang mae-experience ng audience namin for sure,” pagbabahagi ni Richard.

Kasama rin sa malaking pelikula ng Star Cinema ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatrabaho sina Richard at Dingdong sa isang proyekto. “Nakakatuwa nga kasi kung kailan naging Kapamilya ako, doon pa kami nakapagtrabaho. Kasi never pa kami nakapagtrabaho ni Dong,” nakangiting pahayag ni Richard.

Hindi na umano kailangan na mag-bonding ng dalawa bago pa sumalang sa kanilang mga eksena. “Okay naman kami. Actually we’re part of the same motorcycle group so we always see each other. So in terms of bonding, hindi na naman kailangang mag-bonding. Pero siyempre first time naming aarte sa harapan ng camera together so that’s going to be new experience for us,” giit ng aktor.

Samantala, pinaghahandaan na rin ni Richard ang isang bagong teleseryeng pagbibidahan nila ni Bea Alonzo. Excited na rin ang aktor na makatrabaho ang dalaga sa kauna-unahang pagkakataon. “Excited ako na makasama si Bea. Noong nagsisimula ako before, siya nasa kabilang network, magkahiwalay kami ng network. And finally ngayon magkasama kami sa unang pagkakataon sa isang teleserye. Kaya I’m looking forward for that,” pagtatapos ng aktor.

Loisa, kinakabahan sa mga batikang aktres na makakatrabaho

Masayang-masaya si Loisa Andalio dahil makakasama ang tambalan nila ni Ronnie Alonte sa teleseryeng The General’s Daughter. Pinagbibidahan nina Angel Locsin, Janice de Belen, Ryza Cenon, Eula Valdes at Maricel Soriano ang nasabing serye. 

“Kasama kaming dalawa ni Ronnie. Mayroon din kaming isang movie with Vice (Ganda), nando’n kami sa Fantastica,” bungad ni Loisa.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon pa lamang ng dalaga dahil makakatrabaho ang mga batikang aktres sa industriya. “Kinakabahan ako kasi mga batikan na artista ang mga kasama namin doon. Sobrang pressure din kasi kami lang ‘yung bagets doon eh,” pagtatapat ni Loisa.

Kahit hindi pa sumasalang sa taping ang dalaga ay naka-bonding naman na raw ang lahat ng mga kasamahan sa bagong serye. “Kasi parang nag-look test pa lang kami. Tapos story conference, gano’n pa lang. Pero no’ng nag-story conference kami, mababait po sila kaya nagkaroon na din ng bonding,” nakangiting kwento ni Loisa.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with