Bret at Sofia
Bret at Sofia lantad na ang relasyon
(Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2018 - 12:00am

SEEN: Holding hands na dumalo sina Bret Jackson at Sofia Romualdez sa red carpet premiere ng Miss Granny sa TriNoma Cinema 7 noong Lunes. Ang public display of affection nina Bret at Sofia ang kumpirmasyon ng kanilang relasyon.

SCENE: Parehong mga contract star ng Viva Artists Agency si Bret Jackson at si Sofia Romualdez, ang singer at panganay na anak nina Tacloban City Mayor Cristina Gonzales at Alfred Romualdez.

SEEN: Namamayagpag na rin sa mainstream movies ang mga indie actress na sina Mara Lopez at Angeli Bayani na kapwa may special participation sa Miss Granny.

SCENE: Pinaghandaan ni Nova
Villa ang premiere night ng Miss Granny dahil nagmukhang bata talaga ang itsura niya. Ipinagmamalaki nang husto ni Nova ang pelikula nila nina Sarah
Geronimo, James Reid at Xian Lim.

SEEN: “Nothing is impossible with God” ang reaksyon ni Ardy Roberto na magi­ging ama sa pangalawang pagkakataon. Si Roberto ang asawa ng ex-beauty queen-turned-actress na si Miriam Quiambao na nagbuntis sa edad na 43.

SCENE: Back at The Araneta ang pamagat ng third major concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum sa October 13, 2018. Ang concert niya ang paghahandaan ni Daniel pagkatapos ng promo ng The Hows of Us, ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na may playdate sa cinemas nationwide sa August 29.

SEEN: Naturally shy si Senator JV Ejercito kaya hindi siya naging active sa showbiz. Bitplayer lamang si JV sa mga pelikula noon ng kanyang ama, si Manila City Mayor Joseph Estrada. Natatandaan ni JV na extra siya sa Joseph-Celeste Legaspi movie na Mamang Sorbetero noong 1979.

SCENE: Matagal nang magkaibigan si ex-Department of Tourism Wanda Teo at ang Buhay Carinderia proponent, ang businesswoman na si Linda
Legaspi kaya nagtataka ang mga nakakaalam sa katotohanan sa pahayag ni Teo sa Senate inquiry na si former Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano ang nagpakilala sa kanya kay Legaspi.

SEEN: Dalawang pelikula ni Marco Gumabao ang magkasunod na ire-release ng Viva Films, ang Abay Babes at ang Para sa Broken Hearted. Si Marco rin ang isa sa mga kapareha ni Nadine Lustre sa Ulan.

BRET JACKSON SOFIA ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with