Male personality na kuring may hinihintay na biyaya galing sa langit
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2018 - 12:00am

Tahimik lang pero napakayaman pala ng isang lalaking personalidad na palaging binabansagang kuring. Marunong kasi siyang humawak ng pananalapi. Hindi siya basta-basta gumagastos sa mga bagay-bagay na hindi kapakipakinabang.

?Kahit nu’ng naninirahan pa pala sa ibang bansa ang male personality at ang kanyang pamilya ay sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kanyang kinikita. Nagdo-double job siya nu’n, kung meron pa ngang mag-aalok ng pangatlong trabaho ay tatanggapin pa rin niya, pero ang katawan niya na ang sumusuko.

?Kuwento ng aming source, “Hindi na maghihirap kahit kailan ang male personality na ‘yun. Pati ang mga anak niya, kahit mahiga, matulog at kumain na lang sila sa maghapon, e, sigurado na rin ang future nila.

?“Ganu’n siya kagaling sa paghawak ng pera, organized ang buhay niya. Pati ang mga anak niya, e, tinuruan din niyang matutong mag-ipon para may dudukutin sila pagdating ng panahon ng kagipitan.

?“Pero hindi niya naman tinitiis ang mga pangangailangan nilang mag-aama, dumudukot din naman siya paminsan-minsan para sa mga granatsa, pero paminsan-minsan lang talaga niya ginagawa ang ganu’n,” simulang kuwento ng aming source.

?Pero mas malaking kayamanan pala ang nakatakdang dumating sa buhay ng aktor at sa kanyang mga anak. Walang nakakaalam kung kailan ang bagsak ng biyaya mula sa langit pero siguradong sa kanilang mag-aama tatapat ang pagkahulog nang napakalaking kayamanang ‘yun.

?“Napakabilis ng takbo ng panahon, wala silang dapat gawin kundi ang maghintay na lang, dahil sa ayaw at sa gusto ng iba d’yan, e, para sa kanila talaga ang malapit nang dumating na kayamanang ‘yun.

?“Hindi ‘yun mapupunta sa ibang tao, para sa kanyang mga anak lang, kaya kapag nangyari ‘yun, e, hindi na niya kailangan pang magtrabaho at magbanat ng buto.

?“Hindi nila hawak ang panahon, hindi rin nila gustong dumating na agad ‘yun, pero sigurado na ang mag-aama na may nakatakdang dumating na malaking kayamanan para sa kanila.

?“Pana-panahon lang naman ‘yan, sabi ng mga kaibigan ng male personality. Napakatagal niyang naghirap, patay ang katawan niya sa pagtatrabaho, pero darating din ang panahon na mauupo na lang siya at titingin sa malayo dahil napaka-secure na ng future nilang mag-aama,” makahulugan pang sabi ng aming source.

?Ubos!

Iba kay John Lloyd, Joshua may sariling atake

Sinadya naming masimulan ang unang sultada ng ser­yeng Ngayon At Kailanman, ang pagbibidahang palabas nina Joshua Garcia at Julia Barretto, para hindi kami maligaw sa kuwento.

?Mahalaga ang unang gabi, du’n isinasalansan ng produksiyon ang nakaraan, para maging magaan na ang pag-intindi natin sa bawat episode ng serye.

?Mabilis ang transisyon, namatay agad sa unang gabi pa lang sina TJ Trinidad, Iza Calzado (na walang kakupas-kupas ang ganda) at ang kontrobersiyal na si Mercedes Cabral.

?Ang daloy ng kuwento ay mas pinaganda pa ng ginamit na location, ang nagsasalita sa kagandahang dalampasigan, ang plantasyon ng dragon fruit, ang pagtutok sa windmills at lighthouse na mula sa maimahinasyong hagod ng cinematographer na si Direk Joey Mallari.

?Si Julia Barretto ang sanggol na nakaligtas nang barilin ang kanyang ina, na pinalaki naman ni Mercedes at nang lumaon ay napulot-pinalaki ni Rio Locsin, malinaw na ang istorya.

?Si Joshua naman ang anak-mayaman na anak nina Alice Dixson at Christian Vasquez, kaabang-abang kung paano sila magkikita ni Julia, madaling sundan ang kuwento ng Ngayon At Kailanman.

?May seryeng pinaglalaanan namin ng panahon, inabangan namin ang unang bagsak ng kuwento nito pero sa ikatlong gabi pa lang ay bumitiw na kami, may kaguluhan ang flashback ng kuwento.

?Pagkatapos ng Ang Probinsyano ay mahahawakan na naman kami sa leeg ng bagong serye nina Joshua at Julia, gustung-gusto pa naman namin ang husay sa pagganap ng young actor, kumokontra kami sa komentong junior siya ni John Lloyd Cruz dahil hindi naman.

?May sariling atake si Joshua Garcia.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with