^

PSN Showbiz

Beauty hindi binabawalan ng asawa makipagtambal sa iba!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Beauty hindi binabawalan ng asawa makipagtambal sa iba!
Beauty

Masayang-masaya si Beauty Gonzalez dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan niyang makapirma ng exclusive contract sa ABS-CBN. 

Matatandaang nagsimulang mapanood ang aktres bilang housemate sa Pinoy Big Brother House noong 2008.

Mula noon ay marami-rami na ring nagawang mga teleserye at pelikula si Beauty.

“I feel happy about it because after so many years nabigyan ako ng kontrata. Exciting times,” nakangiting pahayag ni Beauty.

Isang bagong teleserye ang pinaghahandaan ngayon ng aktres. Magtatatlong taon na ngayon ang anak nina Beauty at Norman Crisologo kaya medyo nahihirapan ding pagsabayin ang trabaho at ang pagiging ina at asawa ng aktres.

“Take one step at a time kasi ang tagal ko rin nagpahinga, so slowly. It is easy to balance but my husband and everyone supporting it, madali lang naman pero sometimes it’s not easy. Whatever you see on Instagram is not real but I am trying my best to balance things out,” makahulugang paliwanag ni Beauty.

Kahit may mga nakakatambal sa mga ginaga­wang proyekto ay hindi na umano ito pinagseselosan ng asawa ng aktres. “Sanay naman siya and he is happy to support naman and he wants me to fill up my cup para naman I can be the best I am with him,” giit ng aktres.

Mariel pa-date date muna ang gusto!

Wala pang kasintahan ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon.

Ngayon ay 25 taong gulang na ang dalaga at nakatira pa rin sa poder ng mga magulang.

“I am still clinging with them, dahil siguro sa Filipino values. I think I’ll just move out when I want to get married which is matagal pa, super tagal pa. For now I want to concentrate on myself. Parang medyo selfish pero in a good way, and I’m still young, dating-dating lang,” pagbabahagi ni Mariel.

Matatandaang naging isa sa mga leading lady ni Coco Martin ang dalaga noong isang taon sa pelikulang Ang Panday. Ngayon ay tatlong pelikula ang ginagawa ni Mariel at ayon sa baguhang aktres ay mas kumportable na siya ngayon sa trabaho kumpara noon. “I’m more comfortable now than before, especially because of the fact na I’m more comfortable with myself and I’m working na din with my Tagalog para mas madali sa mga shooting and sa mga lines. Before kasi I was more scared, now I’m having fun,” kwento ng beauty queen.

Aminado si Mariel na palagi siyang nakararamdam ng pressure dahil hindi maiwasang maikumpara sa mga magulang na parehong kilala bilang magagaling na artista.  

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with