^

PSN Showbiz

Vice handang tanggapin ang alok ng GMA, pagod na raw sa mga co-host sa Showtime

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Vice handang tanggapin ang alok ng GMA, pagod na raw sa mga co-host sa Showtime
Vice

SEEN: Lumuwas mula sa Tarlac ang former actor at Streetboys member na si Danilo Barrios para suportahan ang red carpet premiere ng Unli Life, ang pelikula ng kanyang kaibigan na si Vhong Navarro. Hindi na active sa showbiz si Danilo dahil successful businessman na siya sa Tarlac.

SCENE: I Sea Eat ang pangalan ng seafood restaurant at Air Juan Heussaff ang pangalan ng airline company na ginamit sa mga eksena ng Unli Life ng Regal Entertainment Inc.

SEEN: Dumalo sa opening night ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ang former sexy actress na si Sarsi Emmanuelle, isa sa mga bida ng White Slavery. Bakas sa mukha ni Sarsi ang mga hamon at kahirapan sa buhay na pinagdaanan.

SCENE: Ang restored version ng 1985 movie na White Slavery ang opening film ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino sa SM Aura noong Martes. Mga bida sa White Slavery sina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren at Jaclyn Jose. Ang National Artist na si Lino Brocka ang direktor ng pelikula.

SEEN: Matinding batikos ang inabot ng public service host na si Ben Tulfo dahil nagmatigas ito sa Senate inquiry noong Martes na hindi niya ibabalik ang P60 million na ibinayad ng Department of Tourism para sa ad placement sa kanyang programa sa PTV 4.

SCENE: Puzzled si Senator Dick Gordon, ang chairman ng Blue Ribbon Committee, sa ad placement ng Department of Tourism sa public service program ni Ben Tulfo dahil kulelat sa rating ang mga show ng PTV-4 na pinakakain ng alikabok ng mga programa ng ABS-CBN at GMA 7.

SCENE: Ang nagdadrama na biro ni Vice Ganda sa It’s Showtime na kapag may offer ang GMA 7, tatanggapin niya dahil pagod na siya sa pag-aayos sa buhay ng mga co-host niya sa noontime show ng ABS-CBN.

SEEN: Rated PG ng MTRCB ang Bakwit Boys, The Day After Valentine’s at Unli Life kaya puwedeng panoorin ng mga bata ang mga nasabing pelikula pero kailangan ang patnubay ng mga nakatatanda sa kanila. R13 at R16 ang classification ng MTRCB sa We Will Not Die Tonight, Pinay Beauty at Signal Rock, respectively.

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with