Joshua
Kaya nadagdagan ang insecurity, Joshua hirap mag-inglessa interview
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2018 - 12:00am

Kapuri-puri si Iza Calzado na sumasagisag sa isang tunay na alagad ng sining dahil kahit alam niyang maba-bash siya at hindi tatantanan ng fans ng JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil pahihirapan niya ang mga karakter na gagampanan ng dalawa sa kauna-unahan nilang serye sa TV na Ngayon at Kailanman, tinanggap pa rin niya ang role na maging kontrabida ng mga ito.

Bukod sa pagiging salbahe niya sa serye, mother role rin ang ibinigay sa kanya bilang ina ni Julia kahit hindi siya sure kung maibibigay niya ang tamang emosyon na kinakailangan dahil dalaga pa siya in real life at wala pang anak. Kampante na lamang siya sa feeling na gumaganap na rin ng ganitong roles sina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria.

Masaya si Iza na marami ang bumabati sa maganda niyang performance sa Distance ng Cinemalaya and how sorry they are na natalo siya sa Best Actress category. Wala siyang nadaramang panghihinayang o lungkot at sa halip masaya sa panalo ni Therese Malvar (Best Suppor­ting Actress) na kasama niya sa movie. Binati niya rin si AiAi delas Alas na siyang naging Best Actress.

Sana lang ay hindi madagdagan ang insecurity ni Joshua dahil mahina siyang mag-Ingles at ‘di nakasasagot ng maayos sa mga interview niya na evident sa grand media launch ng Ngayon at Kailanman.

 Kung talagang gusto niyang mag-improve, may kakayahan na siyang kumuha ng isang English tutor para matuto siyang magsalita ng maayos at hindi ma-insecure sa kanyang ka-love­team na palaging sumasagip sa kanya sa mga Q&A na sinusuong nila. Hindi naman kahiya-hiya kung bano siyang mag-Ingles. Mareremedyuhan ito kung gugustuhin niya. Magtiwala na lang siya sa kakayahan niya and take it from there. For the series, nag-immerse sila ni Julia sa de­pressed area at hindi natakot sa pareho nilang near death experiences.

Mapapanood ang Ngayon at Kailanman simula August 20 sa ABS-CBN kasunod ng Ang Probinsyano. Kabilang sa serye ang nagbabalik na si Rosemarie Gil, Rio Locsin, Christian Vasquez, Alice Dixson, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, TJ Trinidad, Jameson Blake at Joao Constancia.

Romnick nagiging in demand na uli

Hindi nakapagtataka kung dumami ang projects na gagawin ni Romnick Sarmenta.

Napapanood siya sa kasaluku­yan sa Halik at kahit kabagu-bago pa lamang nitong umeere ay nagpapamalas na agad siya ng mahusay na akting. Napanood din siya sa nanalong Best Full Length Film sa Cinemalaya na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon kasama sina Perla Bautista, Dante Rivero at Menggie Cobbarubias.

Wish ng marami na magkaro’n ito ng commercial run para mas marami pang maibsan ng pag-iyak na mararanasan nila while watching the film na dinadala ng ma­rami sa dibdib na dulot ng mga hindi magagandang pangyayari na nagaganap sa ating bansa.

Sharon-Goma fans buhay na buhay

Mas mabilis makaka-recover ang fans ni Sharon Cuneta at ng ex niyang si Gabby Concepcion sa hindi pagkakatuloy ng reunion movie nila. Mabilis kasing napunan ang kabiguan nila ni Robin Padilla na naging matagumpay ang pakikipagbalikan sa movie kay Mega. Ngayon naman ay ang actor-turned-Mayor of Ormoc City na si Richard Gomez ang makakabalikan ni Sharon.

May dati na silang following na hanggang nga­yon ay naghihintay para i-revive ang kanilang beautiful past bago sila naging masaya sa kanilang mga asawang pulitiko. Star Cinema ang gagawa ng movie ng  dalawa na pinamagatang Three Worlds To Forever.

Ketchup tinadhana sa trophy

Marami ang natutuwa na sinalo ni Ketchup Eusebio ang role niya sa Mamang kasama si Ce­leste Legaspi. Kay Roderick Paulate unang inalok ang role pero hindi nito natanggap sa hindi malamang kadahilanan. Itinakda marahil ‘yun ng kapala­ran dahil itinanghal si Ketchup na Best Supporting Actor for the  movie.

Unang inaasahan na magkaka-award siya sa Seven Sundays pero, sa halip sa Mamang siya sinwerte.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with