Heart lumitaw na ang endorsement sa Paris

Heart

MANILA, Philippines — Wow, inilabas na ng Sequoia Paris si Heart Evangelista bilang kanilang ambassador.

Ang Sequoia ang isa sa mga nangungunang French leather good brand.

Maganda ang mga bag nila ha sa nakita kong items sa kanilang website, hindi  rin masyadong expensive pero ka-level ang hitsura ng mga daang libong mga bag na gawa rin sa France.

Wala pang formal launching, pero malamang na ito na nga ‘yung ibiniyahe ni Heart sa Paris kung saan umano’y nag-pictorial siya para sa mga billboard nito.

Wala rin namang confirmation from Heart kung anong contract niya with Sequoia, o maging ang representative ng leather good brand.

Anyway, ang bongga ng alaga niyang doggie. Kahapon ay kasama niya ito sa kanilang weekend getaway at in all fairness nakabantay ang doggie sa kanyang mga bag.  “A cozy escape for the weekend! The rain has certainly come, stay dry and safe everyone!,” sabi ni Heart sa kanyang IG post.

Kilalang mapagmahal sa aso si Heart na pinagagamit din niya ng Hermes blanket ha. Sossy doggie talaga.

Anyway, obvious na naka-recover na si Heart sa pinagdaanang miscarriage sa magiging panganay sana nila ni Sen. Chiz Escudero.

Show comments