Cast & crew ng CRA
Kris nilaglag sa pictorial sa leading newspapers at website sa US!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

Tinalbugan ni Kris Aquino ang mga lead star ng Crazy Rich Asians sa red carpet premiere nito sa TLC Chinese Theatre sa Hollywood noong Martes.

Si Kris lang ang may Pinoy fans na nagsigawan nang umapir siya sa red carpet, kasama ang anak niya na si Bimby.

I’m sure, naloka ang mga produ at bida ng Crazy Rich Asians sa eksena na na-witness nila. Imagine, wala pang five minutes ang sinasabi na exposure ni Kris pero parang siya ang star ng Crazy Rich Asians sa ginanap na premiere night.

Bonggang-bongga ang coverage ng TV5 sa pagrampa ni Kris na siguradong masaya dahil pinagbigyan ng Kapatid Network ang kanyang request na tutukan ang eksena niya sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians.

Sad lang ang ibang fans ni Kris dahil hindi lumabas sa ibang leading entertainment newspapers and website sa US ang pictures ng pagrampa niya. Wondering ang fans dahil wala si Kris sa cast picture na na-publish sa mga diyaryo at online news.

BuyBust may limang araw pa

May reminder si Anne Curtis na extended sa mga sinehan ang BuyBust pero hanggang sa August 14 na lang ito mapapanood dahil magsisimula na sa August 15 ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ipinaalala ni Anne sa lahat na may limang araw pa ang mga tao para panoorin ang pinag-uusapan na action movie niya.

Nag-remind din si Anne na huwag kalimutan na panoorin sa August 18 sa Smart Araneta Coliseum ang 21st anniversary concert niya, ang AnneKulit.

Nag-promise si Anne na last concert na nito ang AnneKulit dahil ang acting at hosting na ang priority niya.

Yasmien nag-feeling interior designer

Hindi pa nakakalipat si Yasmien Kurdi at ang pamilya niya sa kanilang dream house sa Muntinlupa City.

Hinihintay pa ni Yasmien at ng kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. ang mga custom-made furniture na sila mismo ang nag-design.

Hindi na kumuha ng interior decorator ang mag-asawa dahil very creative si Yasmien na mahilig mag-research tungkol sa mga gamit sa bahay na talagang magaganda at mapapakinabangan.

Busy pa rin si Yasmien sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kaya na-postpone ang paglipat nila sa kanilang bagong bahay.

Nag-enroll pa si Yasmien sa Arellano University kaya punumpuno ang schedule niya. Hinihintay lang ni Yasmien ang pagtatapos ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa August 24 para makaratsada siya sa pag-aayos sa dream house nila.

AiAi itutuloy na ang pag-i-Indie

Nagpapasalamat si AiAi delas Alas sa lahat ng mga tumangkilik sa School Service at pumuri sa acting niya.

Natutuwa si AiAi dahil sa mga naririnig niya na malaki ang tsansa na mag-win siya ng Best Actress award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival pero hindi siya umaasa. Happy na siya na napansin ang performance niya sa kanyang third indie movie.

May plano uli si AiAi na gumawa ng indie movie pero sa 2020 na dahil magi­ging busy siya sa 2019.

May mga show si AiAi sa ibang bansa sa susunod na taon at mga bubuksan na restaurant.

Fully-booked na ang schedule ni AiAi hanggang December 2018 dahil sa pelikula na gagawin nila ng Ex Battalion sa Viva Films, ang Sons of Nanay Sabel na pang-international ang title pero musical comedy.

Si Mel del Rosario ang writer ng Sons of Nanay Sabel at siya rin ang sumulat ng Ang Tanging Ina series na pinilahan noon sa takilya ng moviegoers.

CRAZY RICH ASIANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with