Carmen
Carmen Soo nabuhay sa Rich…
(Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

Goma binitin si Sharon

SEEN: Ipinapakita na ang teaser ng My Special Tatay pero uumpisahan pa lang ang taping ng bagong afternoon drama series ng GMA 7. Sa August 26 ang tentative airing date ng show na pagbibidahan ni Ken Chan.

SCENE: Ipinagpaliban ni Sancho delas Alas at ng kanyang fiancée na si Shanna Retuya ang church wedding nila sa December 2018. Nagkasundo ang dalawa na ituloy sa susunod na taon ang kanilang balak na pagpapakasal.

SEEN: May special participation sa Crazy Rich Asians ang Malaysian Chinese actress na si Carmen Soo na nagbida noon sa mga teleserye ng ABS-CBN. Dumalo si Carmen sa premiere night ng Crazy Rich Asians sa Hollywood.

SCENE: Ngayon ang launch sa Music Hall, Metrowalk ng original soundtrack ng The Day After Valentine’s. Special guests sa event ang The Day After Valentine’s stars na sina Bela Padilla at JC Santos.

SEEN: Ang personal na pasasalamat ni Jo Berry na overwhelmed dahil sa mainit na pagtanggap at positive reviews ng televiewers sa kanyang performance sa Onanay, ang primetime teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan niya.

SCENE: Ayaw maging idle ni Aubrey Miles habang ipinagbubuntis niya ang pangatlong anak kaya nag-enroll siya sa isang culinary arts school.

SEEN: Malulungkot ang fans ni Enchong Dee kapag nalaman nila ang plano na patayin ang karakter ng aktor sa The Blood Sisters na magpapaalam sa telebisyon sa August 17.

SCENE: Nasapawan ni Jake Cuenca ang male co-actors niya sa The Blood Sisters dahil sa kanyang intense acting. Always prepared si Jake sa tuwing dumarating sa set ng afternoon drama series ng ABS-CBN.

SEEN: Ang balita na hindi muna matutuloy ang Star Cinema project nina Sharon Cuneta at Richard Gomez dahil sa mga responsibilidad ng aktor bilang alkalde ng Ormoc City.

CARMEN SOO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with