Depressed sa break up, anak ng singer nag-try mag-suicide!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2018 - 12:00am

PIK: Medyo tulala pa si Chai Fonacier pagkatapos niyang pinanood ang pelikula niyang Pinay Beauty na isa sa walong pelikulang ipalalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 15.

Bida siya sa nasabing pelikula  kasama si Edgar Allan Guzman, pero parang hindi pa rin daw niya ramdam na bida siya.

“Hindi pa rin siya nagsi-sink in talaga,” bulalas ni Chai pagkatapos namin napanood ang pelikula sa press preview nito kahapon. Pero siyempre, hangad din daw niyang magbida sa pelikula at maabot ‘yung ibang mga artistang nagsu-support lang, pero na­bigyan ng chance na magbida.

“I was really surprised that’s how it turned out. Alam mo ‘yung habang sinu-shoot mo iba yung ima­gination…ang saya.  Tapos may ibang mga scenes na hindi ka kasama dun mo lang nakikita.”

Kakaiba ang kuwento ng Pinay Beauty at may sariling style ng humor na in-inject dito ni direk Jay Abello, pero ang gusto lang ni Chai na makapagbigay ng pananaw ang pelikulang ito pagdating sa usapin ng kagandahan.

“I hope it sparks conversation on… yung statement nung film on beauty standards, and what kind of pressures we put ourselves on each other.

“I think that’s the most important for me…the people are able to talk about it, the people to express their own experiences of what is or what is not beautiful. Yung mailabas nila yung mga triumphs yung mga hinanaing nila with regard to beauty,” saad ni Chai Fonacier.

PAK: Emote si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account kahapon pagkatapos niyang dalawin sa Custodial Center ng Camp Crame ang dating Sen. Bong Revilla Jr.

Isang buwan din kasing hindi puwedeng tumanggap ng dalaw sa dating senador dahil sa isyung nahulihan ito ng cellphone.

Nung nakaraang Lunes, July 30 lang na-lift ang suspension kaya nagdagsaan na ang mga dalaw.

Pero sabi ni Manay Lolit, nakaramdam raw siya ng kirot sa puso nang nakita niya ang alaga na nakangiti at ang aliwalas ng mukha.

Parang nakapahinga raw ito nang husto dahil nga sa walang hinaharap na dalaw kundi ang immediate family lang, abogado at ilang staff.

Wala raw siyang ginawa kundi mag-ensayo, kaya pumayat ito at lalong gumuwapo.

Sabi nga ni Manay Lolit, kapag makalabas na raw si Sen. Bong, mas gusto raw niyang sa paggawa ng pelikula raw muna siya mag-focus at huwag muna ang pulitika.

Ang gustung-gusto raw niyang makasama sana ni Sen. Bong ay si Maine Mendoza. Bagay daw talaga si Maine sa style ng comedy na ginagawa ni Sen. Bong, at tingin niya swak na swak sila.

Thankful si Sen. Bong dahil kahit naka-detain pa rin ito sa Camp Crame, interesado pa rin ang mga producers na igawa siya ng pelikula.

Kaya sa showbiz daw muna siya. Kung maari lang, isantabi raw muna niya ang pulitika.

BOOM: Nakarating sa amin itong kuwento ng anak ng kilalang singer na nagtangka raw na magpatiwakal.

Ayaw lang sabihin ng aming source kung ano talaga ang buong pangyayari, pero ang ilan sa mga kuwentong nasagap namin, nakipaghiwalay na raw ang girlfriend na isang female celebrity sa anak ng kilalang singer.

Ang gusto raw kasi nung girlfriend na si female celebrity ay pakasalan na siya nung lalaki. Hindi lang puwede dahil may malalim na dahilan kung bakit hindi pa puwedeng magpakasal.

Medyo na-bore na raw si female celeb sa relasyon nila, dahil hindi na raw sila bata, gusto na rin niyang may patutunguhan na ang relasyon, ang pag-settle down na nga.

Kaya lang hindi ito maipapangako sa kanya ngayon nung lalaki, kaya ang ending break-up na lang.

Na-depress daw nang husto si guy, kaya nag-overdose daw ito ng gamot na pampatulog.

Mabuti at naagapan naman, dahil ang pamilya nung lalaki mismo ang nagsugod sa kanya sa hospital.

Mahigpit lang daw na ibinilin sa mga nakaalam  na huwag na itong ipagsabi, pero heto na nga at kumalat pa rin.

Mukhang okay na raw ngayon itong si guy dahil nakatutok naman sa kanya ang pamilya na may pinagdadaanan din.

CHAI FONACIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with