_ngayon
^
Gown hindi nairampa sa SONA,  Ate Vi nagiging sakitin!
Hindi siya nakadalo sa SONA kahapon dahil sa kailangan niyang magpahinga dahil sa nagkasakit ito pagkatapos nilang magbakasyon sa Singapore.

Gown hindi nairampa sa SONA, Ate Vi nagiging sakitin!

Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bakit kaya nagiging sakitin na ngayon si Cong. Vilma Santos?

Hindi siya nakadalo sa SONA kahapon dahil sa kailangan niyang magpahinga dahil sa nagkasakit ito pagkatapos nilang magbakasyon sa Singapore.

Nanghinayang din si Cong. Vi dahil gusto talaga niyang makadalo sa SONA. Nakahanda na nga ang gown niya na gawa ni Renee Salud at pati si Dheng Foz na make-up artist nito.

Pero may fever pa siya, dahil sobrang init daw kasi sa Singapore na pinagbakasyunan nila.

Ipinorward ng presidente ng fans club ni Cong. Vi na si Jojo Lim ang text sa kanya ng Star for All Seasons.

Nakasaad sa naturang text message mula kay Cong. Vi; “Good morning Jo! Pls. pakisabi sa Vilmanians na I’m sick now ubo’t sipon and may fever kaya hindi ako maka-attend ng SONA, naka-ready na susuot ko…kay Renee Salud at si Dheng Foz but unfortunately I’m sick bec. of the weather here in Singapore.”

Nakadalawang presscon na ang Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment pero hindi pa rin sila nabubuo gayung iilan lang naman ang main cast.

Mabuti na lang at laging puwede ang isa sa mga bidang si Vance Larena, at kahapon ay kasama na si Devon Seron.

Present din lagi si direk Jason Paul Laxamana dahil proud siya at malapit sa puso niya ang pelikulang ito. Ilan din sa mga bida sina Nikko Natividad, Ryle Santiago at ang TNT Kids finalist na si Mackie Empuerto.

Napangiti na lang nga si Mr. Rex Tiri ng T-Rex nang tinanong namin iyun. Dapat namang maging cooperative ang mga Kapamilya talents na bida sa pelikulang ito.

Inaasahang makukumpleto ang buong cast sa launching ng Official Soundtrack nito na gaganapin sa Saguijo Café and Bar Events Place sa August 3.

Dito sa Bakwit Boys ay nakapaloob ang anim na awiting likha ng kaibigan niyang singer/composer na si Jhaye Cura.

Ibang-iba raw itong Bakwit Boys sa pito pang pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula na sa August 15 hanggang 21.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with