^

PSN Showbiz

Piolo maraming ginawang imposible sa Marawi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo maraming ginawang imposible   sa Marawi
Piolo

Tuloy na tuloy na ang Marawi project ng Spring Films na may titulong Children of The Lake sa direksyon ni Sheron Dayoc. Si Joyce Bernal ang tumatayong producer ng nasabing pelikulang pagbibidahan nina Piolo Pascual, Mylene Dizon at Robin Padilla.

Hango ang kwento nito sa tunay na mga nangyaring kaguluhan sa Marawi kaya doon din kukunan ang mga eksena para sa pelikula.  “100% of the film will be filmed sa Marawi. It depends na lang po iyon sa military kapag may something na kailangan nila kami paalisin doon. ‘Yon lang po ang magiging hurdle namin. Pero as of now, one hundred percent po, doon lahat,” pahayag ni Joyce.

Para naman kay Piolo ay isa na marahil ito sa mga pinakamahirap niyang gagawing pelikula. “Hindi po talaga biro ang proyektong gagawin namin na ito. Pero no’ng nakita mo na lahat ng suporta mula sa production, the artists, even other organizations, makikita mo talaga ‘yung sense of humanity at nakakataba ng puso,” giit ni Piolo.

Samantala, masayang-masaya naman si Robin dahil sa layunin nitong makatulong at makabangong muli ang Marawi. “Ito pong pelikulang ito ay totoo na. Ito po ay isang pangarap at maraming imposible sa pelikulang ito at ‘yung mga imposible ay naging posible dahil mayroon pong vision and mission ang pelikulang ito,” makahulugang pahayag ni Robin.

Michelle hindi sanay sa ka-loveteam

Masayang-masaya si Michelle Vito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagbida na sa isang pelikula. Katambal ng aktres si Jon Lucas sa Dito Lang Ako na mapapanood na sa mga sinehan simula sa August 8. “Ito ‘yung wini-wish ng kahit sinong artista. Six years ko rin po siyang hinintay na mangyari sa akin. Sanay ako na ang role ko kapatid, mean girl ako. Hindi ako sanay na may ka-love team talaga. Masaya ako dahil magkaibigan kami ni Jon. Walang awkwardness sa aming dalawa,” nakangiting bungad ni Michelle.

Kahit anim na taon na sa show business ang dalaga ay hindi naman daw siya nakaramdam nang pagkainip sa naging takbo ng career. “Okay lang po ako eh. Hindi naman po ako nababagalan. Baka iniisip nila na napag-iiwanan ako kasi ka-batch ko sina Liza (Soberano), Julia (Barretto). Kasi naniniwala ako sa tamang timing talaga. Time nila ngayon, time nina Julia, Liza, so naniniwala ako na darating din ‘yung time para sa akin. Kung ano ‘yung dapat para sa akin. At saka nag-aaral din kasi ako. Hindi lang ako ‘yung naka-focus sa showbiz lang. Gusto ko na may ginagawa rin akong iba. Siguro kahit may teleserye akong ginagawa, hindi ako mag-i-stop sa pag-aaral. Regular student po ako taking up Human Resource Management. Third year na po ako at patapos na ako next year. Siguro po kapag naka-graduate na ako, mas makakapag-focus na talaga ako sa showbiz. Hindi ko naman po masasabi na walang-wala talaga akong project, meron naman po,” pagbabahagi ni Michelle.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with