^

PSN Showbiz

Kris nasasayang ang energy sa pagpatol sa mga nega

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris nasasayang ang energy sa pagpatol sa mga nega
Kris at Josh

Sana gumaling na si Josh, Mama Salve. Very protective si Kris Aquino kay Josh dahil alam naman ng lahat ang kalagayan nito.

Pinaka-close kay Tita Cory Aquino at PNoy ang panganay ni Kris kaya naman ngayon na may sakit ito, lalong na-miss ni Kris ang mother niya.

Buti na lang nandiyan pa si PNoy na natatawagan niya para tulungan siya nito sa pag-aalaga kay Josh.

Kahit kasi ano pang sabihin about kay Kris, isang bagay na ipagkakapuri mo ay ang pagiging good mother niya. Nataranta siya nang itakbo sa hospital si Josh.

Hay naku, wasted energy kasi iyong mga pagpansin niya sa mga negative comment, kaya this time, throw away na iyang mga comment at pagsagot sa mga walang kuwentang comment.

Sabi ko nga sa kanya, Kris, hindi bagay sa iyo ang nakikipag-away, stay cool, be happy, kahit ano pang mangyari, Kris Aquino ka na. Bakit pa kailangan i-validate?”

Maraming nakiayon sa mga sinabi ko sa Instagram account kaya sana ‘wag nang maging mapagpatol si Kris.

Celine kinabiliban ang kabaitan nang dumating

Malakas ang buhos ng ulan nang dumating si Celine Dion sa Ninoy Aquino International Airport kahapon nang madaling-araw para sa kanyang two-night concert (July 19 and July 20) sa Mall of Asia Arena.

Celine Dion is Celine Dion kaya hinintay ng mga reporter ang arrival niya via private plane mula sa Bangkok, Thailand.

In love na in love ang Pinoy television reporters kay Celine dahil very accommodating ito at walang drama na diva siya.

Hindi napigilan ng TV5 reporter na si MJ Marfori ang pagiging fan girl nang pahiran ni Celine ang patak ng ulan sa mukha niya.

True naman na mabait si Celine dahil kahit superstar siya, wala tayong nabalitaan na nagmaldita siya sa fans at sa mga concert niya.

Isa si Charice Pempengco sa mga nakinabang sa kabutihan ni Celine noong pa-girl pa siya. Walang second thought na pinagbigyan ni Celine ang request ni Oprah Winfrey na i-guest niya si Charice sa kanyang  concert  sa New York City ang nameless pa noon na Pinay singer.

Malaking tulong ang star power ni Celine para mapansin ng buong mundo ang talent ni Charice sa pagkanta.

Jacqueline maingay na maingay

Sino ang mag-aakala na after 21-years, mabubuhay at pag-uusapan ang kaso ng Chiong sisters ng Cebu dahil sa pelikula ng Viva Films, ang Jacqueline Comes Home?

Pati ang millennials na bagets pa nang mangyari noong July 1997 ang krimen, sinusubay­bayan ang kaso, nagbibigay ng mga opinyon at naniniwala na true ang tsismis na buhay pa at nani­nirahan sa Canada ang magkapatid na Marijoy at Jacqueline.

I’m sure, hindi inaasahan ng Viva Films na magiging matindi ang reaksyon ng publiko at ii­ngay nang todo ang isinapelikula na life story ng Chiong sisters na biktima ng kidnapping at pang-aabuso noong July 1997.

Naging kontrobersyal ang pelikula, may mga nagduda na may cover up na nangyari  at alive pa ang Chiong sisters dahil hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang bangkay ni Jacqueline at hindi rin nakita ni Thelma Chiong ang mukha ni Marijoy nang iburol ito. Ang sabi sa mga report, mahirap ma-identify ang bangkay dahil nasira ang mukha nito nang ihulog sa bangin ng mga criminal.

Ang director at movie producer na si Carlo Caparas ang may idea na gumawa ng pelikula tungkol sa kaso nina Marijoy at Jacqueline.

Nagbukas sa mga sinehan noong July 18 ang Jacqueline Comes Home at lumakas ang panawagan na i-boycott ang pelikula pero kabaligtaran ang nangyari.

Lalong na-curious ang madlang-bayan na panoorin ang Jacqueline Comes Home dahil sa kagustuhan nila na malaman ang version ng kuwento ng mga magulang ng Chiong sisters.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with