JC at Bela
Trailer ng movie nina JC at Bela ang lakas maka-wow!
(Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2018 - 12:00am

SEEN: Ang sad truth na pag-amin ni Kris Aquino na hindi pa siya nakababangon mula sa paglugmok ng kanyang career dahil sa box office result ng I Love You Hater.

SCENE: Nakatulong ang panawagan na i-boycott ang Jacqueline Comes Home para magkaroon ng interes at awareness ang publiko na panoorin ang isinalin sa pelikula na kuwento ng pagpatay sa Chiong sisters na sina Jacqueline at Marijoy ng Cebu noong July 16, 1997.

SCENE: Hindi baguhan sa paggawa ng pelikula si Ysabelle Peach dahil siya ang assistant director ng kanyang tatay na si Carlo Caparas sa mga nakaraan na pelikula nito. “Nag-retire” si Carlo bilang direktor simula nang pumanaw ang kanyang asawa na si Donna Villa.

SEEN: Ang  “wow” reaction ng millennials sa tuwing ipinapakita sa mga sinehan ang trailer ng The Day After Valentine’s, ang reunion movie nina Bela Padilla at JC Santos na unang nagtambal sa blockbuster movie na 100 Tula Para kay Stella na official entry noong 2017 sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Kalahok din sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ang The Day After Valentine’s.

SCENE: Ang first shooting day ng Fantastica noong Martes, July 17. Lead stars sina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ng Star Cinema movie na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

SEEN: Si Jay Abello ang direktor ng Pinay Beauty, isa sa mga official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na tinatampukan nina Maxine Medina at Chai Fonacier. Si Abello ang direktor ng Red, ang 2014 movie ni Jericho Rosales at ng Ligaw Liham na pinagbidahan ni Karylle noong 2007.

SCENE: Ang Viva International Pictures ang Philippine distributor ng Billionaire Boys Club, ang Hollywood movie na nagbukas kahapon sa mga sinehan. True story ang Billionaire Boys Club at lead actors ng pelikula si Taron Egerton, ang bida ng Kingsman at si Ansel Elgort na nakilala sa The Fault in Our Stars at Baby Driver.

BELA PADILLA JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with