^

PSN Showbiz

Araw-Gabing magkasama, kaya humanap ng lusot sa actor-bf, young actress in love na sa leading man

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung isandaang porsiyentong totoo ang mga impormasyong nakarating sa amin ay kumpirmadong tapos na nga ang relasyon ng isang magandang young actress at ng boyfriend niyang young actor.

Nitong mga huling linggo pala ay napapadalas na ang kanilang away, hindi lang ‘yun nangyayari sa personal, maging sa komunikasyon nila sa social media ay palagi na rin silang nag-aargumento.

Sabi ng aming source ay selos ang dahilan. Mula raw kasi nang gawin na ng young actress ang isang seryeng katambal ang isang guwapong aktor ay nawalan na siya ng panahon para sa kanyang boyfriend.

Kuwento ng aming impormante, “Biglang-bigla naman kasi ang pagbabago ng girl, nanibago siyempre ang lalaki, bakit biglang nagkaganu’n ang girlfriend niya?

“Wala naman silang pinag-aawayan, maayos naman ang takbo ng relasyon nila, pero biglang-biglang nawalan na ng panahon ang girl sa boyfriend niya!

“Nagtanong na siyempre ang guy kung nasaan na ang relasyon nila? Sila pa ba o hindi na? Meron na bang ibang pinagkakaabalahan ang girl? Wala raw naman, sobrang napapagod lang daw siya sa trabahong ginagawa niya nang halos araw-araw!

“’Yun ang totoong pinagmulan ng away ng dalawa. naninibago ang guy, hindi ganu’n ang girlfriend niya, sobrang malambing ‘yun lalo na kapag hindi sila magkasama,” simulang kuwento ng aming source.

Mas marami ang naniniwala na gumagawa na lang ng paraan ang young actress para matapos na ang relasyon nila ng young actor dahil hulog na hulog na siya sa aktor na palagi niyang kasama sa trabaho.

May mga kuwento kasing nakaaabot sa young actor na kahit tapos na ang mga eksena ng mga bumibida sa serye ay palagi pa rin silang magkasama, hindi sila naghihiwalay, kaya naapektuhan na ang boyfriend ng magandang young actress.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Naku, ganu’n na nga siguro ‘yun! Na-develop na ang girl sa partner niya sa serye na totoo naman kasing mahirap iwasan dahil bukod sa magaling nang actor, e, guwapo pa!

“Bata pa kasi ang girl, mabilis pang magdesisyon, mabilis ding mahulog sa iba. ‘Yun na nga ang dahilan kung bakit bigla siyang nagbago sa boyfriend niya.

“Ano nga naman ang laban ng young actor, e, araw-gabing magkasama ang girlfriend niya at ang guy na itinuturong third wheel sa relasyon nila?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Umasang mananalo kay Matthysse maraming Pinoy talo sa pustahan kaya galit na galit kay Pacman!

Nakalulungkot lang isipin na sa kabila ng tagumpay na iniuwi sa ating bayan ni Senador Manny Pacquiao ay may mga nagkokomento pa rin nang negatibo tungkol sa kanya.

Ang mga kaibigan namin sa Amerika at sa Australia ay proud na proud sa Pambansang Kamao, lumiban pa sila sa trabaho para lang matutukan ang laban nila ni Lucas Matthysse, panay-panay ang pagpo-post nila ng positibong litanya tungkol sa tagumpay ng pambato nating boksingero.

Kunsabagay, kani-kanyang opinyon lang naman ‘yan. Kung may mga nagbubunyi para sa Pambansang Kamao ay hindi rin natin maiaalis ang mga kababayan nating hindi ganu’n ang nararamdaman.

Nakakatawa nga ang opinyon ng isang kaibigan namin, ang kanyang sabi, “Siguro, malaki ang natalo sa pustahan ng mga galit na galit ngayon kay Pacman! Si Matthysee kasi ang pinaboran nila. Matanda na raw kasi si Pacman, hindi na niya kayang ipanalo ang laban sa mas bata kesa sa kanya!

“Kaso, nagpakita pa rin ng bangis sa ring si Pacman, kaya ayun, olat ang malaking taya nila! Galit na galit sila ngayon kay Senator Manny dahil malaking halaga ang nawala sa kanila!” natatawang opinyon ng aming kausap.

Anuman ang emosyon ngayon ng mga kababayan nating negatibo ang pagtanggap sa pananalo ng Pambansang Kamao ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan na minsan pang isinulat ni Pacman ang pangalan ng ating bayan sa mapa ng mundo.

Siya ang kaisa-isang positibo sa isang panahon na sobra-sobrang pagbatikos ang inaabot ng ating bansa sa mukha ng mundo dahil sa kaliwa’t kanang patayan at kriminalidad nang dahil sa droga at kahirapan.

Kahit sa loob lang nang maigsing panahon ay bumida ang Pilipinas sa magandang paraan. Positibo ang daloy ng balita. At nagbubunyi ang mga Pinoy!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with