Andrea
Andrea tuwang-tuwa sa mga ginagawa nila ni Alden
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

James dedma sa mga ‘patibong’ ni Kris!

PIK: Si Mother Lily Monteverde ang pinaka-proud sa lahat para sa anak niyang si Roselle Monteverde.

Si Roselle ang isa pinarangalan ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa kanilang The Eddys Awards ng Rising Producers Circle, kasama si Veronique del Rosario ng Viva Films.

Nakakapag-adjust kasi si Mother Lily sa mga pagbabago ng panahon at alam niyang iba na ngayon ang gusto ng mga manonood, kaya tingin niya kaya nang kapain ito ni Roselle. Kaya naman ipinaubaya na niya lahat sa kanyang panganay dahil alam niya ngayon ang mga pagbabago sa movie industry at ang panlasa ng millennials. Ang gusto lang ni Mother Lily na dalhin pa rin ni Roselle ay ang pagiging malapit sa movie press.

Kahit may mga bloggers o vloggers, gusto pa rin ni Mother ang mga movie reporters sa print.

“Kaya sabi ko sa kanya, dapat dumating siya sa Eddys kasi mahal ko ‘yang editors. Mahal ko mga reporter. Malaki ang nagawa ng movie press sa Regal,sabi ni Mother Lily.

PAK: Unang isinalang si Andrea Torres sa nakaraang Eddys Awards dahil hahabol pa raw siya sa taping ng bagong soap opera niya.

Ayaw pa niya sanang banggitin kung ano ito, pero marami na kasi ang nakaalam na bahagi siya sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Victor Magtanggol kung saan bida si Alden Richards.

Kamakalawa ng gabi lang in-announce sa 24 Oras kung sino ang dalawang leading lady ng Pambansang Bae. Si Andrea nga ito na gumaganap bilang isang Norse goddess, at si Janine Gutierrez bilang si Gwen Regalado na isang reporter na nakasaksi ng powers ni Victor Magtanggol.

Kaya hindi totoong kasali si Jasmine Curtis-Smith na napabalita noon pa.

Excited si Andrea sa role niya sa Victor Magtanggol dahil first time pa lang daw niya itong gawin, lalo na’t nakakaaliw daw ang kasama niyang pet dito.

“Pam-bonding talaga to eh. Lahat-lahat makaka-relate,” pakli ni Andrea.

Tuwang-tuwa rin sila kay Alden na napakagaan daw katrabaho.

“Ang gaan gaan ng aura niya. Kahit anong oras, talagang nakangiti siya lagi,” sabi pa ni sexy Kapuso actress.

BOOM: As of presstime, deadma pa rin si James Yap sa tawag at text namin. Hinihingan kasi namin siya ng sagot sa post ni Kris Aquino sa Instagram account kamakalawa, July 10.

Walang binanggit na pangalan si Kris pero obvious na si James ang tinutukoy na kung saan sinariwa nito ang kanilang pag-iisang dibdib 13 years ago.

Sa huling bahagi ng post niya ay ipinaabot niya ang pakikipag-peace sa dating asawa.

Sabi niya; “I sincerely wish you and your growing family peace and lasting happiness.”

May hashtag siyang #anythingandeverythingformybunso, na ginagawa raw niya iyun alang-alang sa anak niyang si Bimby.

Naintindihan namin si James kung ayaw na niyang sagutin ang text namin dahil iniiwasan na nito ang magulong isyu nila ni Kris.

Nung nagkita kami sa nakaraang piyesta ng San Juan, iniiwasan niya talaga ang mga tanong tungkol kay Kris dahil mahirap na raw.

Noon naman daw ay nakipag-peace rin si Kris sa kanya at okay na sila, pero bandang huli ay kung anu-ano na naman daw ang mga ipinost nito. Mabuti na nga raw na manahimik na lang siya.

Tinanong din namin noon tungkol sa matagal na nilang di pagkikita ni Bimby, pero mabuting tahimik na lang daw siya at naniniwala siyang darating ang araw na magiging okay rin silang mag-ama.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with