Cinemalaya at PPP may banggaan?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2018 - 12:00am

Nakakalungkot na sa halip na magkaisa ang mga gumagawa ng mga lokal na pelikulang indie ay nagsisilbi pang malaking paligsahan ang ginawang halos pagtatapat ng schedule ng Pista ng Pelikulang Pilipino at Cinemalaya Filmfest na parehong sa buwan ng Agosto magaganap, August 3-12 para sa Cine­malaya at August 15-21 para sa PPP.

Kung ang 10 pelikula ng Cinemalaya ay sa mga piling sinehan lamang magaganap, ang walong pelikula ng PPP ay mapapanood nation­wide. Sana ginawang nationwide na rin ang Cinemalaya para patas ang laban.

Ang 10 pelikula na napili ng PPP ay ang The Day After Valentine’s ni Jason Paul Laxamana; Unli Life ni Mike Livelo; We Will Not Die Tonight ni Richard Somes; Ang Babaeng Allergic sa WiFi ni Jun Robles; Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana; Madi­lim ang Gabi ni Adolf Alix, Jr. at Pinay Beauty ni Jay Abello.

Samantala, ang mga entry naman sa Cine­malaya ay ang Pan de Salawal ni Che Espiritu; Kuya Wes ni James Robin Mayo; Kung Gaano Kadalas ang Dapithapon ni Carlo CatuDistance ni Perci Intalan; The Lookout ni Afi Africa; ML ni, Bene­dict Mique; Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma ni Iar Lionel Arandaing; School Service ni Louie Ignacio at Ang mga Bisita ni Mamang ni Denise O’Hara.

Kisses kaliwa’t kanan ang mga manliligaw

Lumalabas na pinaka-ligawin sa mga kaba­ta­ang babaeng artista ngayon ang dating PBB housemate na si Kisses Delavin. Kinaiinggitan siya ng mara­ming kasabayan niya dahil sa pangya­yaring ang mga pinaka-habulin na mga bagets na lalaki ngayon ay sa kanya nararahuyo. Parang siya na lamang ang hinihintay ng lahat na pumili kina Donny Pangi­linan, Tony Labruska at Neil Murill­o ng Boyband PH.

May success na sila ni Donny sa ginawa nilang pagsasama sa pelikulang Walwal. Hinihintay naman sila ni Tony na magsama sa isang project para makita kung may chemistry din sila pero, si Neil ay binibigyan siya ng time na makapag-focus pa sa kanyang career before he pursue her. Tama nang magkaibigan muna sila. Di kaya siya maunahan ng dalawa niyang karibal?

Ellen at john lloyd buko na

Nagkamali yata si Ellen Adarna sa pagpapaliban ng hearing niya para sa kasong child abuse na isinampa sa kanya ng ina ng menor de edad na pinagbintangan niyang pinapa-pa­razzi siya.

Kinailangan niyang magbigay ng dahilan para sa absence niya sa hearing at ito ay ang panganganak. Ayun, eh di lumabas din ang totoo! Sa galing ba naman ng media, makakakuha at makakakuha sila ng detalye tungkol dito. After the baby, pag-interesan pa kaya sila ni John Lloyd Cruz? Baka dun manahimik na sila.

KISSES DELAVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with