^

PSN Showbiz

Anne tutok muna sa BuyBust, lilipad pa nyaff!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne tutok muna sa BuyBust,  lilipad pa nyaff!
Anne

Ilang araw na hindi mapapanood sa It’s Showtime si Anne Curtis dahil ang BuyBust ang closing film ng New York Asian Film Festival sa July 15 kaya dadalo siya.

Unang ipalalabas sa nasabing film festival ang BuyBust bago ito magbukas sa mga sinehan sa Pilipinas sa August 1.

Dusa as in capital dusa ang naranasan ni Anne sa training at shooting ng kanyang first ever action movie pero hindi siya nagrereklamo dahil sa mga natutunan niya.

Highly-recommended ni Anne sa lahat ang BuyBust dahil magandang-maganda raw ang pelikula nila ni Brandon Vera na mula sa direksyon ni Erik Matti.

Kasama ni Anne na dadalo sa New York Asian Film Festival sina Brandon, Erik at ang movie produ­cer na si Dondon Monteverde dahil co-production ng Reality Entertainment at ng Viva Films ang BuyBust. Movie outfit ni Dondon ang Reality Entertainment.

Bukod sa New York Asian Film Festival, dadalo rin si Anne sa isang filmfest sa South Korea pero hindi siya magtatagal doon.

Very tight ang schedule ni Anne dahil nagsimula na ang training at preparations niya para sa Annekulit, ang kanyang 21st anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum sa August 18.

Mag-expect tayo na magkakaroon ng special participation sa AnneKulit ang mga kaibigan at kapwa artista ni Anne na naging bahagi ng showbiz career niya.

Fans dismayado Justin engaged na sa model na anak ni Alec Baldwin

Shocked ang Pinoy fans sa balita na engaged na si Justin Bieber sa kanyang girlfriend, ang model na si Hailey Baldwin na anak ng Hollywood actor na si Alec Baldwin.

In denial ang fans ni Bieber, lalo na ang mga umaasa na magkakabalikan uli sila ng kanyang ex-girlfriend na si Selena Gomez.

Sorry na lang sa mga hopia dahil in love na in love si Justin kay Hailey na inalok niya agad ng kasal, kahit isang buwan pa lang sila na nagde-date.

Dati nang magkakilala ang dalawa dahil umapir pa si Hailey sa premiere noong February 2011 ng Never Say Never, ang rockumentary movie ng sikat na Canadian singer.

Seventeen years-old pa lang noon si Justin at 13-years old si Hailey kaya ni sa panaginip, hindi sumagi sa kanilang isip na magkakaroon sila ng relasyon na hahantong sa engagement at eventually, sa pagpapakasal nila.

May mga natutuwa sa love story nina Justin at Hailey pero mas marami ang fans na imbyerna dahil hindi nila type si girl para sa kanilang idol.

Sikat na fashion model si Hailey sa Amerika at lalong umingay ang name niya dahil sa engagement nila ni Justin.

Television personality din si Hailey pero may cameo role siya sa Hollywood movie na Ocean’s 8 bilang isa sa mga celebrity guest sa MET Gala scene.

PPP entries potential blockbusters

Promising ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 dahil magaganda at potential blockbuster ang mga official entry.

Dahil bongga ang mga pelikula na kalahok, parang Metro Manila Film Festival in August ang filmfest sa susunod na buwan ng Film Development Council of the Philippines.

Resounding success ang Pista ng Pelikulang Pilipino noong nakaraang taon kaya naengganyo ang mga movie producer na isali ang mga pelikula nila sa 2nd edition ng film festival ng FDCP na magaganap sa August 15 hanggang August 21 at culmination ng selebrasyon ng mga Pilipino sa Buwan ng Wika.

Walang mga foreign movie na mapapanood sa mga nabanggit na petsa dahil nakareserba para sa PPP entries ang mga sinehan.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with