Jackie dapat pagbatiin sina Andre at Kobe

Andre

May bagong problema na dapat harapin si Jackie Forster. Na-solved na ang problema niya sa dalawa niyang anak kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe Paras, nagkabatian na sila. Pero, pansin ng netizen ay may isyu ngayon sa magkapatid. Bukod sa nag-unfollow na sila pareho sa isa’t isa sa kanilang mga socmed accounts, malabo at paiwas ang sagot ng Kapuso artist kapag nai-interview tungkol sa kanilang magkapatid.

Bago ang batian nilang mag-iina ay sobrang close ang magkapatid. Naniniwala ang lahat na may naganap kay Andre at sa kapatid niyang sikat na basketbolista na dapat malaman ng kanilang ina para hindi na lumala pa. Res­ponsibilidad ni Jackie ‘yun, at maging ni Benjie.

Regine hindi namili ng mga sasali sa clash

Marami ang humanga na hindi nagkait ng pagka­kataon si Regine Velasquez para makasali sa bagong singing contest ng GMA na The Clash ang mga nakasali na sa mga singing contest ng mga kalabang istasyon, partikular na sa ABS-CBN.

Sinabi ng Asia’s Songbird na hindi nagdi-discriminate ang The Clash, lahat ay pwedeng sumali, walang age limit, propesyonal man o amateur.

Nagsimula na ang paligsahan nung Sabado at napapanood din ito tuwing Linggo. Open si Regine at maging si Ogie Alcasid sa pagtatapat ng kanilang programa. May Your Face Sounds Familiar Kids si Ogie sa kabilang istasyon.

Cesar pinagdarasal ng mga anak

Salamat na lamang at sa halip na mag-isang harapin ni Cesar Montano ang mga problema niya sa buhay na may kinalaman, lalo na sa kanyang naging trabaho sa Department of Tourism, kasama niya sa kanyang laban ang tatlong anak niyang babae kay Sunshine Cruz

Ipinagdarasal siya ng mga anak niya na gaya ng turo ng kanilang ina at kahit na sa napakasamang bintang na ang mga kinakain nila at ginagamit ay galing sa sinasabing korapsyon ng kanilang ama, sinabihan ni Sunshine ang mga anak na huwag paaapekto dahil ang lahat ng biyayang tinatamasa nila ay pinagpaguran niya’t pinaghirapan.

Mayor HB walang inggit sa lovelife ni Kris

Walang nararamdamang inggit o kumpetisyon si Mayor Herbert Bautista sa bagong kaibigan o manliligaw na abogado si Kris Aquino. Katunayan, masaya siya kung totoong nakatagpo ng bagong makapagpapaligaya sa kanya ang ex niya na malugod niyang inamin ay nakapagturo sa kanya ng mahahalagang leksyon sa buhay.

Show comments