^

PSN Showbiz

Janine umamin na sa pagmamahal kay Atom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Janine umamin na  sa pagmamahal kay Atom
Janine at Atom

Goodbye Rayver…

Kinaaliwan ang inamin ni Janine Gutierrez via Twitter na “Just professed my love for Atom Araullo at the company thanksgiving party and I have no regrets.”

Nagkita sa Anniversary Thanks giving Party ng GMA Network sina Janine at Atom at doon nagkaroon ng chance si Janine na aminin na “love” niya si Atom.

Curious ang marami kung ano ang reaction ni Atom at kung ano ang sagot kay Janine.

Ibig sabihin, hindi lang si Joyce Pring sa mga Kapuso ang may pagnanasa kay Atom, isama na rin si Janine. Mabuti at wala sa party si Rayver Cruz dahil hindi pa Kapuso ang aktor. Kailangan pa niyang tapusin ang mga eksena niya sa Bagani bago makaalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

Balik kay Janine, ang ganda ng comments ng nakabasa sa tweet ni Janine, walang nam-bash at may nagsi-ship sa kanila ni Atom. May nagbirong nag-fan girling siya at may nag-thank you dahil ang hindi nila maamin kay Atom ay ginawa ni Janine.

Miss Granny ni Sarah kinaatatan

Kaka-post pa lang ni Neil Arce sa IG Story na August 22 ang showing ng Miss Granny (20 Again) at wala pang banggit ang pangalan ni Sarah Geronimo, pangalan ni Joyce Bernal bilang director at date ng opening ng movie pa lang, pero ‘kagulo na ang fans.

Nauna nang ni-launch ang soundtrack ng Viva Films movie na Kiss Me, Kiss Me sa MYX Philippines at ang hinihintay pa ng fans nina Sarah, Xian Lim at James Reid ay ang launching ng poster ng Miss Granny. 

Napanood na ang teaser dahil pinalabas sa Sid & Aya at natuwa ang moviegoers sa napanood.

GMA naunahan ng merchandise ni Victor Magtanggol

Naunahan ang GMA 7 ng enterprising businessman dahil hindi pa umeere ang Victor Magtanggol, may naglabas na ng merchandise ng teleserye ni Alden Richards.

Mabibili na sa mga sari-sari store ang tsitsireyang pinangalanang Victor Magtanggol na parang mixed nuts ang laman.

May kasama pa raw laruan sa loob ng tsitsiriya, kaya lalong gugustuhin ng mga bata na bumili.

Nagtatanong na ang Kapuso viewers kung saan mabibili ang tsitsiriya, lalo na sa mga lugar na hindi pa available.

Naalala namin, nabanggit ng isang taga-production ng Victor Magtanggol na maglalabas sila ng merchandise at isasabay nila sa airing ng teleserye. Dapat siguro dalian na nila dahil naunahan na sila.

Samantala, tama kaya ang nabalitaan naming this Sunday na ang lipad ni Alden Richards sa ibang bansa para sa shoot ng ilang eksena ng Victor Magtanggol. 

Zoren nakipag-mud wrestling na naka-underwear lang

Natawa kami sa mga beking reporters na na-excite sa nabanggit ni Zoren Legaspi sa presscon ng Kapag Nahati ang Puso na may mud wrestling scene uli siya and this time, kasama sina Benjamin Alves at David Licauco.

Lalo pang nagpa-excite sa mga bading ang sinabi ni Zoren na underwear lang ang suot nilang tatlo. Gustong mag-press visit ng mga beki at wala silang keber maputikan man sila, mapanood lang ang eksena. Hindi lang abs ang habol ng mga beki na makita dahil topless sila at marami pa.

Sa pilot episode, may mud wrestling scene na si Zoren, pero naka-shorts siya at t-shirts kaya bitin ang mga beki.

Kwento pa ni Zoren, wala siyang dalang extra underwear sa ta­ping, maiksi ang suot niyang shorts at natakot siya na baka may lumabas, kaya nang hiram siguro ng shorts sa productions.

Sa July 16, bago mag Eat Bulaga ang pilot ng Kapag Nahati ang Puso sa direction ni Gil Tejada.

Ang ‘Di Maisip na komposisyon ni Vehnee Saturno at kinanta ni Hannah Priscilla ang theme song ng bagong serye ng GMA.

Samantala, dumalo sina Zoren at Carmina Villarroel sa GMA Anniversary Thanksgiving Party ng GMA Network, kasama ng dalawa ang mga anak na sina Mavy at Cassy na Kapuso talents na rin daw.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with