^

PSN Showbiz

Sharon nag-uumpisa nang mangampanya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon nag-uumpisa nang mangampanya!
Sharon at Chet

Ang announcement ni Sharon Cuneta sa Instagram (IG) that her brother Chet Cuneta is running for Mayor sa Pasay City. Sinamahan pa ni Sharon ang kapatid nang magpa-rehistro sa Comelec.

Sabi ni Sharon, maraming heart-to-heart talks muna ang nangyari sa kanila ng kapatid bago magdesisyon si Chet na pasukin na ang pulitika.

“We made sure that when we came to it, it was with all our hearts and souls. Only with the spirit to serve honestly and with our father Pablo’s legacy in mind. Cesar “Chet” Cuneta is running for Mayor of Pasay City. I pray that if you are living in Pasay and reading this, I pray that God touch your heart and support him in this coming elections. I will be 110 % behind him, beside. He is giving up his 32 years of his career as a hard-working pilot to serve the people of Pasay City,” part ng post ni Sharon sa Instagram (IG).

Ipinangako na ni Sharon na lahat ng kikitain sa Pasay ay mapupunta sa pagpapaganda, pagpapaunlad ng Pasay at sa mga tao ng Pasay. “Ako mismo ay kasama niyang magbabantay,” pangako pa ni Sharon.

Iza relate much sa mga lesbian

Dumalo si Iza Calzado sa Gay Pride Parade na ginawa sa Marikina City at sa mga lumabas na photos, makikitang nag-enjoy si Iza sa first Pride Parade na sinalihan at happy na ipakita ang love at suporta niya sa LGBT Community. At dahil nakalakihan ng kasama ang mga beki dahil sa amang si Lito Calzado, walang gulat factor sa aktres na makasalamuha ang maraming beki sa showbiz.

Habang nasa parade, inobserbahan na rin siguro ni Iza ang mga tao sa pali­gid at sumama sa parade.

Lesbian kasi ang role niya sa Cinemalaya entry na Distance at maganda kung first hand niyang ma-i-experience makasama ang mga gaya nang gina­gampanan niyang role sa pelikula sa direction ni Perci Intalan.

Isa na ang Distance sa pinaka-daring at brave movie na ginawa ni Iza dahil ang tsika, may kissing scene sila rito ni Max Eigenmann.

The last time ma-interview si Iza, ang sinabi lang, lesbian ang role niya sa nasabing entry at doon pa lang, open na siya kung magkakaroon siya ng kissing scene sa kanyang makakapareha.

Ayun na nga, hindi nahirapan si direk Perci na kumbinsihin ang aktres na gawin ang nasabing eksena.

Ginawa o ginagawa pa ni Iza ang Distance habang naghahanda sa wedding nila ng fiance niyang si Ben Wintle. British ang BF ni Iza, kaya tiyak hindi magiging isyu sa kanya ang kissing scene ng magiging misis sa kaparehong babae.

JC inilantad na ang mag-ina

Pinost na rin ni JC de Vera sa Instagram (IG) ang photo ng baby girl niya, pero hindi pinangalanan. Sa IG ng mga ninang pa nalaman na Lana Athena ang name ng baby. Sa isa pang pinost na photo ng ninang sa binyang ng baby nalaman na Rikka ang name ng GF ni JC at mother ng kanyang baby girl.

Pinost din ni JC ang family picture nilang tatlo at nilagyan ng caption na “My Strength, My happiness. My Inspiration. My motivation. My Love. My Life.”

Sa caption ni JC sa photo nilang dala­wa ng anak, nasa hashtags ang gusto niyang sabihin at ipaalam sa mga nakabasa. #weout #Myveryown #MyFamily #theDeVeras #HappyBaby #MyHome.” Tama ba ang nag-comment na nagsasama na sina JC at Rikka? Mas maganda ang ganu’n para sabay nilang naalagaan si Baby Lana.

Tom at Carla inuudyukang pakasal na

Pinakilig ni Carla Abellana ang fans nila ni Tom Rodriguez sa comment niyang “I Love You” sa video clip ng boyfriend habang nagti-training ng Bat-Fu na gagamitin nito sa mga eksena sa The Cure. Lalo pang kinilig ang fans ng dalawa sa sagot ni Tom na “abu byutipul!!!”

Isa sa well-loved showbiz couple sina Tom at Carla at ‘pag sila’y ikinasal, kahit hindi nila fans, matutuwa. Bet ng lahat na magkatuluyan ang TomCar at kinukumbinseng magpakasal na. Pero tama si Tom na hindi dapat madaliin ang pagpapakasal nila ni Carla at inuuna muna nila ang mag-ipon.

Sunud-sunod ang projects ni Tom dahil bukod sa The Cure, ginagawa rin niya ang horror movie na Maledicto at kasama pa siya sa 2018 MMFF (Metro Manila Film Festival) entry ng Quantum Films at MJM Productions na The Girl in the Orange Dress. May endorsement din si Tom na makakatulong sa kanyang pag-iipon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with