^

PSN Showbiz

Binoe tutol sa pag-aasawa ni BB

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Binoe tutol sa pag-aasawa ni BB
BB

Suportado ni Ro­bin Padilla at ng kanilang buong pamilya ang ginawang pagbabago ni BB Gandang­hari na mas kilala noon bilang si Rustom Padilla. May isang bagay lamang daw na hindi matatanggap si Binoe kung sakaling mangyari. “Bata pa siya sa bago niyang kasarian as BB kaya ang dami pa niyang gustong gawin. Kami naman nakasuporta lang sa kanya. Ang ‘wag lang niyang hingin sa amin, ‘yung ipakilala niya ‘yung papakasalan niya. Hindi ko pa kaya ‘yon. Parang teka muna ‘tol, biglaan ‘yan ha, ‘yung mga gano’n. Hindi pa namin kaya ‘yon. ‘Wag niyang biglain kasi parang 12 years old na nagdala ng boyfriend siyempre magugulat din kami. Bata pa siya sa amin masyado. Hindi pa kami handa do’n,” nakangiting paliwanag ni Robin.

Para sa aktor ay mas mabuti nang hindi na muna ipakilala ni BB sa kanila kung sino man ang mapapangasawa nito. “Gawin niya do’n, hindi naman niya kailangan, kasi mahirap ‘yon. Baka hindi namin mapakiharapan nang tama,” pagtatapat ni Binoe.

Sa Amerika na naninirahan ngayon si BB at ayon sa aktor ay tinutulungan pa rin niya ang kapatid sa pinansyal na pangangailangan nito. “Napili niyang makipagsapalaran sa Hollywood. Eh napakadami do’ng kompetensya. Humihingi rin siya ng tulong sa amin, wala naman siyang income. Bilang magkakapatid nagtutulungan kami. Ginagawa naman niya lahat para kumita siya do’n, pero Amerika ‘yon, ang daming nagugutom do’n,” pagbabahagi ni Robin. “Pero hangga’t kaya namin siyang itawid, tutulungan namin siya. Kapag hindi na namin kaya, ‘yon ang reality strikes na, ‘’Tol, umuwi ka na.’ Sa ngayon naman masaya kami na masaya siya,” pagtatapos ng aktor.

Ice hindi na tanggap ang katawang babae

Isa sa mga isyu ni Ice Seguerra o mas nakilala noon bilang si Aiza sa tuluyang pagpapalit ng gender ay ang kanyang boses na minahal ng lahat ng tagahanga. “Pinakamalaking issue talaga diyan is ‘yung boses. People love what they hear sa akin. It’s a big risk. This is my bread and butter. I feed my family sa pagkanta ko eh. Siguro naman ‘yung ganda ng boses hindi mag-iiba, bababa siya ng konti and all those things,” pagbabahagi ni Ice. Sumasagi rin umano sa isipan ng singer na sumailalim sa sexual reassignment surgery. “I’ll be very honest. No’ng una nando’n din ako sa parang bakit kailangan. Pero alam mo Tito Boy sometimes, especially no’ng nag-come out na ako as trans. It’s so hard to wake up everyday, seeing that you’re in this body, and alam mo ‘yung pakiramdam na hindi naman ito dapat ‘yon,” kwento ni Ice.

Noong una ay hindi rin daw naintindihan ng asawang si Liza Diño kung bakit ito naisipan ng singer. “’Tinatanggap naman kita eh, for me you’re a man.’ It’s not about that. I mean I thank you for accepting me. But the problem is me accepting me,” dagdag pa ni Ice.

vuukle comment

BB GANDANG­HARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with