Alden
Alden natupad ang pangarap na maging superhero, ala-Iron Man
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2018 - 12:00am

Ipinasilip na sa wakas ang magiging hitsura ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol. Ayon sa exclusive report ng 24 Oras, childhood dream ni Alden ang gumanap na superhero kaya dream come true para sa kanya ang proyektong ito.

 “Alam naman ng karamihan na super fan ako ni Iron Man. So yung mga secret dreams ko before was really to play a superhero role,” ayon kay Alden.

Iba nga raw ang naramdamang excitement ni Alden nang isuot niya ang kanyang costume for the first time. Kumportable raw siyang nakakagalaw kahit sa fight scenes.

 “Surprisingly, ang ganda ng movements. Parang magaan siyang isuot.”

Dagdag pa ni Alden, hindi raw biro ang naging proseso ng pagbuo ng kanyang costume mula sa pagsusuot ng body cast.

 “Mga isang oras kang babalutan ng parang materyal na tumitigas, masakit. Pero siyempre para talagang tailor-made ang costume, kailangan yun.”

Dumaan din daw sa ilang revisions ang paggawa sa kanyang costume. At masaya siya sa naging final look nito. At ito raw ay proudly Filipino-made.

 “Everything is purong Pinoy. Its all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project.”

 Puspusan na nga ang taping para sa kanyang upcoming show sa Kapuso Network kaya naman hindi na makapaghintay ang kanyang fans at viewers na mapanood ang Victor Magtanggol.

Heart tanggap na nawalan ng kambal, never tinanong ang Diyos sa nangyari

Nagparamdam na si Heart Evangelista sa social media the other night. More than two weeks ding nanahimik si Heart matapos ang kanyang miscarriage sa kambal sana nila ni Sen. Chiz Escudero. Sa kanyang IG live, sinabi ng aktres na nasa healing process na siya at nagpasalamat sa lahat ng mga nag-alala sa kanyang pinagdaanan.

 “I’m doing much, much better now and I’m thankful that I’m surrounded by amazing people, people that pray for me, people that genuinely love us.

“I think, I just wanna say that this has probably been the most difficult thing I’ve ever experienced in my life. But I’m just so thankful that I’m fully equipped with the word of God,” emosyonal niyang pahayag.

“I’ve always been very prayerful, I’ve always trusted God with what He has planned for us and that alone, just. . . you know. . .I’ve never ever questioned God. I’ve never questioned what He wants for us or why I lost my baby.

“I feel that at the end of the day, He wants the best for us, the best for the baby.”

Sabi pa niya na hindi na maraming tulad niyang first time mom ang nakakaranas ng miscarriage: “I’ve read a lot of stories of other women who are very brave and went through the same and even worst situations.

 “And I just wanna say thank you because your letters, your messages to me helped me a lot. You could not imagine how it inspired me and helped me and for that, I’m so grateful.

 “And I think for me, the lesson that I learned, I was humbled. That I’m such a planner with my life but at the end of the day, it’s still what God wants for you and I get that and I accept that. And I’m grateful because I know that He wants the best for all of us.

“And so, yeah, going through this whole storm, I realized that too much sunshine will wither you. And that sometimes, you need to go through the rain, the storm, so you witness God’s power and God’s love and how He lives and how He’s real and how He’s gonna make you feel so much better.”

Aalis siya ng bansa para makapahinga at tuparin ang napirmahang trabaho bago pa nangyari ang lahat.

My husband has decided for me that I should leave the country and take a breather, take a break. I was scheduled to work just very shortly for something that I signed few months ago.

 “And so, in a few days, I’ll be going away for awhile, and you know, I feel that I think it’s time to get out of the house. I’ve been staying home since the day I found out.

“Na I haven’t really been out. So I think I deserve to go out now and start moving forward and just wait for that rainbow to show up.”

Pinakamagaling na Pinoy Dancers, hinahanap sa World Of Dance Philippines

Maglalaban-laban na ang pinakamagagaling na Pinoy dancers sa iisang entablado sa nalalapit na pagdating ng World of Dance Philippines sa ABS-CBN.

Ang biggest dance competition sa mundo, na isinatelebisyon ng NBC sa United States, ay mapa­panood na rin sa Philippine TV para hanapin ang pina­kapangmalakasan sa hatawan.

Bukas ang auditions ng World of Dance Philippines sa indibidwal o grupo na edad walo pataas, mapa-amateur man o professional na dancers.

Tatlong division ang maaring lahukan gamit ang ano mang dance genre— ang Junior para sa walong taong gulang hanggang 17 taong gulang; ang Upper para sa mga edad 18 pataas na may grupo na binubuo ng isa hanggang apat na miyembro; at ang Team para sa mga edad 18 pataas na may grupo na binubuo ng limang miyembro pataas.

Pagdaraanan nila ang Qualifier, Duels, at The Cut rounds hanggang sa umabot sila sa Division Finals kung saan isa na lang ang matitira bawat division. Ang tatlong magwawagi ang siyang maglalaban laban sa Grand Finals at may pagkakataong maging grand champion, na mag-uuwi ng cash prize at all-expenses paid trip papuntang U.S. para makapag-audition sa World of Dance.

Huwag palampasin ang ultimate chance to be the best dancer in the world at mag-audition na sa  World of Dance Philippines sa pamamagitan ng pag-send ng video sa worldofdanceabscbn@gmail.com.

Ang programang ito ay isa sa pinaka-hit na dance shows ngayon. Pinangungunahan ito ni Jenna Dewan, mula sa dance movies na Step Up, bilang host, at Ne-yo, Derek Hough, at Jennifer Lopez bilang judge at isa rin sa executive producers. Nagsimula na ang second season ng programa sa U.S. matapos ang matagumpay na first season kung saan nagwagi ang French dancers na Les Twins. Malapit na itong mapanood sa ABS-CBN.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with