Angelica at Carlo inuudyukang unahin ang baby kesa kasal!

Carlo at Angelica

Kasisimula pa lang ng shooting ng movie nina Carlo Aquino at Ange­lica Panganiban pero marami nang nangakong panonoorin ang pelikulang hindi pa sinasabi ang title na ididerehe ni Dan Villegas. Marami na rin ang nangakong susuportahan ang first movie ng dating magsyota.

Sabi ni Carlo, “Unang pelikula namin ni Angge ay ihahandog sa atin ng @black_sheepPh na unang pelikula din nilang ilalabas. Maraming salamat po.”

Bago i-announce na may gagawin silang pelikula, madalas magkita sina Carlo at Angelica at sa mga pino-post na photos ni Carlo, nagtatanong ang fans kung may chance na magkabalikan sila.

Pa-sweet kasi ang caption ni Carlo na “Angel sa lupa” habang magkayakap sila ni Angelica. Doon naman sa photo na nakasandal si Angelica at yakap siya ni Carlo, ang caption ng aktor, “I’m just glad you are a part of my heart.”

Lahat ng comment natutuwa at kinikilig sa dalawa at may nag-suggest pang gumawa na ng baby sina Carlo at Angelica. May komontra naman, dapat mauna raw ang kasal bago gumawa ng baby sina Carlo at Angelica.

Janine pasok na pasok na kay Alden

Hindi na maililihim na kasama si Janine Gutierrez sa cast ng Victor Magtanggol dahil may kumalat na pictures sa social media na sabay sa taping sina Janine at Alden Richards. Tuwang-tuwa ang Kapuso fans na matagal nang nag-aabang na magkasama sa teleserye ang dalawa.

Kung naunsiyami sila sa Dangwa, this time, tuloy na ang pagsasama nina Alden at Janine. Napansin na may hawak na microphone si Janine sa mga litratong lumabas, tama ba ang hula na TV reporter ang gingampanang role ng aktres?

Samantala, natutuwa si Janine sa nara­ting ng Legally Blind, ang hit afternoon soap na pinagbidahan niya. Pinalabas ang soap sa Spain, kaya naging Spanish speaking si Janine at ang cast. Ngayon naman, sa Vietnam ito umeere, kaya Vietnamese naman ang salita nina Janine at ng cast.

Nakakatuwa ang nabuong friendship ng cast ng Legally Blind dahil hanggang ngayon, close pa rin sila. Nag-reunion sila kamakailan at buo ang cast mula kay Mikael Daez, Lauren Young, Rodjun Cruz, ilan sa production staff, Ashley Rivera at guest pa nila si Rayver Cruz.

Lani balik-GMA

Kumpirmado na ang pagiging isa sa mga judge ni Lani Misalucha sa singing competition na The Clash dahil pinost ni Lani ang photo na kasama niya ang kapwa judges na sina AiAi delas Alas at Christian Bautista.

Kasama rin sa litrato si Regine Velas­quez na host ng singing competition.

Sa July 7 na ang start ng airing ng The Clash at makikilala na ang Top 62 clashers na napili all over the country.

Balik-GMA-7 na nga si Lani, maaalalang naging part siya ng Party Pilipinas bago siya lumipad for the States para sa kanyang singing stint sa Las Vegas. Tuwing babalik naman ng bansa, sa ABS-CBN siya madalas mag-guest. Sa The Clash lang uli matagal mapapanood si Lani.

Jasmine at Ruru susubukan

Nabasa namin ang thank you tweet ni Jasmine Curtis-Smith sa positive feedback sa una niyang pagre-report sa Chika Minute segment ng 24 Oras. Isa si Jasmine sa pansamantalang pumalit kay Iya Villania na malapit nang manganak sa se­cond child nila ni Drew Arellano.

Dahil matatagalan pa bago makabalik sa Chika Minute si Iya, siguro naman magbabalik pa si Jasmine sa nasabing segment. 

Totoo kaya ang nabalitaan namin na si Jasmine ang makakapareha ni Ruru Madrid sa bagong te­le­serye na inihahanda ng network? Kabilang sila sa dalawang bubuo sa malaking cast ng teleserye.

Show comments