Miss Manila candidates walang tapon!

Magaganda ang 32 official candidates ng Miss Ma­nila 2018 na ipinakilala kahapon sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Tiyak na mahihirapan sa pagpili ng winners ang judges sa coronation night sa June 26 sa PICC Reception dahil beauty and brains ang mga kandidata.

Si Manila City Mayor Joseph Estrada ang special guest sa press presentation ng Miss Manila 2018 at ipinagmalaki niya na magaganda ang mga Manileña.

Masuwerte ang mananalo ng Miss Manila 2018 crown dahil kalahating mil­yong piso ang worth ng mga premyo na mapapanalunan niya at may chance pa siya na maging contract star ng Viva Films.

Dingdong maghapon at magdamag dinirek si Marian

Kung hindi naging artista si Marian Rivera, qualified siya na mag-join sa Miss Manila 2018 o sa ibang mga beauty pageant dahil ang ganda-ganda niya at seksing-seksi siya kahapon sa 1st anniversary presscon ng Tadhana, ang kanyang Saturday drama anthology program sa GMA 7.

Excited si Marian sa airing ng anniversary episode ng Tadhana sa June 23 dahil siya mismo ang aarte at ang kanyang loving husband na si Dingdong Dantes ang direktor.

Ikinuwento ni Marian na nag-umpisa ng 8:00am ang taping niya para sa Tadhana at kinabukasan pa ito natapos kaya sabay na silang umuwi ni Dingdong sa bahay nila.

True story ang mga episode na napapanood sa Tadhana pero binabago ang pangalan ng mga karakter bilang proteksyon sa pagkatao nila.

Happy si Marian dahil tumagal ng isang taon ang Tadhana at tiyak na magtatagal pa dahil marami ang sumusubaybay at tumatangkilik sa show niya sa Kapuso Network.

Show ni Alden papalitan ang The Cure

May nagkuwento sa akin na may mga pagbabago raw sa airing ng mga bagong programa ng GMA 7 pero siyempre, ang network management lang ang makakapag-confirm.

Narinig ko kahapon na hindi na raw ang Onanay ang ipapalit sa The Cure kapag natapos na ito dahil ang Victor Magtanggol na ang mapapanood pagkatapos ng 24 Oras.

Ang Victor Magtanggol ang much anticipated comeback ni Alden Richards sa primetime ng Kapuso Network at sure na magugustuhan ng lahat dahil drama, action at telefantasya ang concept ng programa.

Ella at Donnalyn positive ang pananakot

Congrats sa Viva Films dahil sa mga positive comment tungkol sa Cry No Fear, ang suspense thriller movie na ngayon ang first day sa mga sinehan.

Starring sa Cry No Fear sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome. Noong Monday night ang premiere ng pelikula sa SM Megamall Cinema at ayon sa mga nanood, nakaramdam talaga sila ng takot sa mga breathtaking scene.

Napuno ng sigawan ang loob ng Cinema 7 dahil sa mga nakakaloka at nakakatakot na eksena ng pelikula. Pinupuri ang acting nina Ella at Donnalyn, pati na ang mga scary performance nina Patricia Javier, Christopher Roxas at Lander Vera Perez.

Show comments